Costume ni Liza bilang bagong Darna kumalat sa social media
MAS lalong na-excite ang fans ni Liza Soberano nang mapanood ang isang video kung saan ipinakita ang ilang eksena sa teaser ng bagong movie version ng “Darna”.
Actually, noong 2015 pa ginawa ang maikling trailer ng “Darna” na ipinalabas sa mga sinehan during the Metro Manila Film Festival. Ipinakita rito ang eksena kung saan tumatakbo si Darna para sagipin ang ilang residente matapos sumabog ang isang bulkan.
Kahapon, kumalat muli sa social media ang ilang screen shot mula sa nasabing teaser kung saan makikita ang bagong costume ni Darna. Hindi ipinakita ang mukha ng Pinay superhero pero ang pina-usapan nang todo ay ang kaseksihan ni Darna sa suot nitong costume.
Ang nasabing teaser ay mula sa visual effects company na Mothership, Inc. na siyang nag-upload ng video kung saan mapapanood din ang video compilation ng iba pa nilang proyekto tulad ng “Kung Fu Divas” (2013) nina Marian Rivera at Ai Ai delas Alas at “Kubot: The Aswang Chronicles 2” (2014) ni Dingdong Dantes.
Wala pang ibinibigay na bagong development ang Star Cinema at Reality Entertainment sa bagong movie version ng “Darna” na pagbibidahan nga ni Liza sa direksyon ni Erik Matti, ang huling balita tungkol dito ay ang tuluy-tuloy na training ng dalaga bilang preparasyon sa pagsisimula ng kanilang shooting.
Kung matatandaan unang inalok kay Angel Locsin ang nasabing proyekto nag-backout ang aktres dahil sa kanyang health condition. Noong May 2017, in-announce ng Star Cinema na si Liza na nga ang napili para lumunok ng bato ni Darna.
Last year din sinabi ni direk Erik Matti na sisiguruhin nila na ang bagong costume ni Darna ay magiging iconic din, mas millennial ang style, sexy pero wholesome pa rin, “It is more than the aesthetic, more than the cosmetic, more than just trying to be sexy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.