Du30 handang magpabaril sakaling matuloy ang kanyang term extension
NANGAKO si Pangulong Duterte na handa siyang magpabaril sakaling mapalawig ang kanyang termino sa harap naman ng pagsusulong ng Kongreso ng charter change.
“Ako sinasabi ko sa inyo ngayon, pag ako sumobra sa aking termino, isang araw lang, I am now asking the Armed Forces of the Philippines and the PNP not to allow me or anybody else to mess up with the Constitution,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Tienda para sa mga bayani: Tienda farmers and fisherfolks outlet in partnership with the Armed Forces of the Philippines sa Compostella Valley.
Ito’y sa harap naman ng mga hakbangin sa Kamara at Senado na amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
“Inyong trabaho iyan, to protect the Constitution and to protect the people. Rememer it, your solemn duty. Bago pag sumobra ako, gusto kong mag-diktador, barilin ninyo ako. Hindi ako nagbo-bola,” dagdag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.