Ona: Hindi ko ipapatupad ang Dengvaxia vaccination | Bandera

Ona: Hindi ko ipapatupad ang Dengvaxia vaccination

- January 22, 2018 - 04:41 PM

SINABI ni dating Health Secretary Enrique Ona na hindi niya ipapatupad ang anti-dengue immunization program kung saan gumastos ang gobyerno ng P3.5 bilyon para sa pagbabakuna ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.
Ito ang sagot ni Ona matapos tanungin ni Sen. Richard Gordon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee.
“Dapat po this should have not been implemented the way it was done. Meaning, targeting almost a million children because the basis for the issues that were being raised were still a big question mark,” sabi ni Ona.
Naging kalihim si Ona ng DOH mula Hunyo 2010 hanggang Disyembre 2014.

“Ibig pong sabihin dapat pag isipan po ng husto kung i-implement po ‘yun. If I were the Secretary of Health, I would not implement it in that extent,” dagdag ni Ona.
Samantala, itinanggi rin ni Ona ang naunang pahayag ni dating pangulong Benigno Aquino III na kasama siya nang nakipagpulong ang huli sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur noong Nobyembre 2014 kaugnay ng Dengvaxia.

“That’s a complete surprise to me po because I was in in Beijing in August,” Ona said. “I looked over my passport, kasi ho there was this insinuation that I was with the President in Beijing. Wala po yun….” giit ni Ona.
Sinuportahan naman ni Sen. Grace Poe ang panawagan ng mga senador na i-refund ng Sanofi Pasteur ang P3.5 bilyong halaga ng depektibong Dengvaxia vaccines, na magagamit para sa pagpapagamot ng mga batang nagkasakit dahil sa Dengvaxia.

“Kung sa palengke nga, kung sira ang manok na nabili mo, hindi naman pwede na ang bayad lang sa kalahati ang isasauli (If in the market, you buy a spoiled chicken, it cannot be that the refund is only half the price),” sabi ni Poe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending