Female star kinakawawa ang mga masahista, lamon nang lamon habang nagpapaserbisyo | Bandera

Female star kinakawawa ang mga masahista, lamon nang lamon habang nagpapaserbisyo

Cristy Fermin |January 20,2018
facebook
share this

Female star kinakawawa ang mga masahista, lamon nang lamon habang nagpapaserbisyo

Cristy Fermin - January 20, 2018 - 12:15 AM


PAGPAPAMASAHE ang isang itinuturing na pampaalis ng stress ng mga artista. Kapag sobrang bumibigat na ang kanilang balikat sa sobrang pagtatrabaho ay massage parlor agad ang kanilang takbo.

Masarap naman kasi talagang magpamasahe, nabubuhay ang ating dugo, natatanggal ang mga lamig-lamig natin sa katawan. Pero may chika ang isang source, natutuwa ba naman ang mga nagmamasahe sa isang magandang aktres na mahilig magpapisil ng katawan, ano ba ang kuwento tungkol du’n?

“Naku, in fairness, maganda ang babaeng ito. Kung beauty ang pag-uusapan, e, hindi siya nagpapakabog dahil maganda talaga siya. Pero may kalakihan ang bulto ng katawan niya, di ba?

“Kapag nagpupunta siya sa isang spa, e, iniiwasan siya ng mga girls na nagmamasahe, matinding sakripisyo kasi ang pagmamasahe sa kanya dahil ang syuba-syuba niya, tapos, kuringking pa siya!

“Halos himatayin na nga ang mga nagmamasahe sa kanya, dalawa ang naka-assign kapag siya na ang dumarating dahil sobrang laki ng katawan niya, hindi siya kakayanin ng isang masahista lang!

“Sa hita at binti pa lang niya, e, kinakapos na ng lakas ang nakatokang magmasahe sa kanya. Inom na nang inom, dahil para silang nade-dehydrate sa pagmamasahe sa client nilang syubaers!” humahalakhak na simulang kuwento ng aming source.

Tapos na ang oras ng pagpapamasahe niya, pero ayaw pa rin niyang tumayo, extension ang palagi niyang hinihingi sa management pero hindi naman siya nagdadagdag ng bayad sa ginagamit niyang sobra-sobrang oras.

“Paano naman siya papayat, e, habang nagpapamasahe siya, e, order siya nang order ng food sa katabing resto? Wala siyang pakialam na lafang nang lafang habang nagpapapindot siya ng katawan, ano ba naman ‘yun?

“Hirap na hirap sa kanya ang mga girls na gumagawa. Bukod sa kain na siya nang kain, e, ang kapal-kapal pa ng mga taba-taba niya, kaya halos mapilay na ang mga masahista sa laki niya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sino siya! Mortal siyang kaaway ng isang magandang aktres sa isang serye!

“Kapag hindi n’yo siya agad nahulaan, e, isa lang ang maisisigaw ko! Aray ko! Inuulit ko, aray ko!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending