Xian sa relasyon nila ni Kim: Basta masaya lang, walang kumplikado! | Bandera

Xian sa relasyon nila ni Kim: Basta masaya lang, walang kumplikado!

Ervin Santiago |January 20,2018
facebook
share this

Xian sa relasyon nila ni Kim: Basta masaya lang, walang kumplikado!

Ervin Santiago - January 20, 2018 - 12:05 AM


WALA pa ring label ang relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu.

Ayon kay Xian, sa estado nila ni Kim ngayon, mas mahalaga raw na nagkakaintindihan sila at nae-enjoy nila ang company ng isa’t isa, lalo na kapag nagta-
travel silang magkasama.

Mas lumalim pa raw ang kanilang relationship ngayon ni Kim matapos ang pagbabakasyon nila sa Europe. Ito’y patunay na rin na walang katotohanan na naghiwalay na ang dalawa.

“Mas okay na ‘yung ganito kami, masaya lang, happy to be us. Para hindi na rin maging kumplikado ang mga bagay-bagay,” paliwanang ng Kapamilya hunk.

Kuwento ni Xian, matagal na nilang pinlano ni Kim ang mag-tour sila sa iba’t ibang lugar sa Europe tulad ng Denmark, Finland at Sweden.

Isa raw sa mga hinding-hindi malilimutan ni Xian sa recent travel nila ni Kim ay ang personal nilang masaksihan ang northern lights, “Kakaibang experience, sobrang saya. Idea namin pareho ‘yun ni Kim para maiba naman, lalo na yung northern lights, first time namin na nakita yun.”

Naikuwento rin ni Xian na magiging busy ang kanyang 2018 dahil first quarter pa lang ng taon ay medyo puno na ang kanyang kalendaryo.

Samantala, si Xian pa rin ang napili para magbigay ng boses sa Britain’s most beloved literary bear sa animated film na Paddington 2. Itinuturing itong bagong blessing ng binata sa kanyang career.

Si Xian din ang naging boses ni Paddington sa first installment ng movie noong 2015 kung saan ipinakilala kung sino talaga ang cute na cute na bear. In the film’s second installment, Paddington, now settled with the Brown family, picks up a series of odd jobs to buy the perfect present for his Aunt Lucy’s 100th birthday, only for the gift to be stolen.

“I was very happy that they chose me again for Paddington 2. Siyempre it was a surprise for me, kase I didn’t expect nga na magkakaroon ng second part. But I’m very grateful na ako yung napili nila to play the part. It just made me so proud to be part of that project,” ani Xian nang makachika namin sa presscon ng pelikula kamakailan.

Dagdag pa ng binata, “Since it’s my first animation na di-nub, the experience was so much different, yun nga, like what I said kanina it was a lot of fun kase nga you got to play around, I got to play around with the emotions.”

Ayon pa kay Xian, “For me, I enjoyed Paddington 2 more kase there’s more skits and more jokes than the first one kase parang dun nagpapakilala si Paddington sa mga tao but sa second part it’s more katatawanan na talaga, pure comedy, and yung comedy niya kase is very Filipino yung pagpapatawa niya. So, it’s a lot of fun talaga.”

Ano ang pinaka-challenging na part sa pagiging voice talent? “I think yung pinakamahirap siguro is yung conserving your voice kase may mga parts na sinisigaw, may mga part na tumatawa, kase may mga ganun eh so parang dapat i-conserve para matapos yung buong film ng buo yung boses.”

Posible ba na karirin na rin niya ang pagiging voice talent sa international scene like Hollywood/Disney o Pixar, “Yeah, oo naman, doing projects abroad it’s a plus, it’s like having another feather on my cap parang ganon.”

Directed by Paul King distributed by Captive Cinema, kasali rin sa “Paddington 2” ang mga Hollwood stars na sina Hugh Grant, Hugh Bonneville, Sally Hawkins and many more. Showing na ito sa Jan. 31.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending