Relihiyosang dalaga naging adik, nasadlak sa cybersex | Bandera

Relihiyosang dalaga naging adik, nasadlak sa cybersex

|January 20,2018
facebook
share this

Relihiyosang dalaga naging adik, nasadlak sa cybersex

- January 20, 2018 - 12:35 AM


MALULULONG sa bisyo at masasadlak sa mundo ng cybersex ang isang relihiyosang dalagang matapos ang sunod-sunod na kalbaryo sa buhay niya ngayong Sabado sa isa na namang madamdaming episode ng Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Lumaki si Abegail (Claire Ruiz) sa isang relihiyosong pamilya dala ng amang pastor.

Ngunit mawawasak ang kanyang pananampalataya nang mamatay ang ama dahil sa sakit na aneurysm, at isisisi niya sa Diyos ang sinapit ng kanyang pamilya.

Dala ng galit, unti-unting magrerebelde si Abegail. Kung anu-ano na ang kanyang pinagagagawa sa kanyang buhay.

Hindi pa nakatulong ang pag-alis ng ang nanay niya patungong Thailand, kaya’t lumala pa ang lahat nang pinili niyang magdroga at kalaunan ay mapupunta pa sa mundo ng cybersex kaya tuluyan nang mapapariwara ang kanyang buhay.

May pag-asa pa kayang magbago si Abegail? Paano siya babangon mula sa pagkakasadlak?

Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Kristine Garcia, Simon Ibarra, Dominic Roque, Mara Lopez, Jon Lucas, Mutya Orquia, JB Agustin, Prince Stefan, Kim Molina, Nikki Gonzales, Ali Khatibi at Tom Doromal.

Ang episode na ito ay sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda dela Cerna at Star Creatives COO Malou Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending