Kontrata sa MIASCOR pinakakansela ni Du30 matapos ang nakawan sa Clark airport | Bandera

Kontrata sa MIASCOR pinakakansela ni Du30 matapos ang nakawan sa Clark airport

- January 19, 2018 - 07:37 PM

INATASAN ni Pangulong Duterte ang Clark International Airport na kanselahin ang kontrata ng service provider na MIASCOR matapos masangkot ang apat na empleyado nito sa pagkawala ng laman ng bagahe ng mag-asawang lumapag sa airport sa Pampanga.

Ito’y matapos ipatawag ni Duterte ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport matapos naman ang reklamo ng mag-asawa na nanakawan ang kanilang bagahe matapos silang lumapag sa airport sa Pampanga.
“Kung sino ‘yung provider, service provider diyan, you terminate the contract and look for another one,” sabi ni Duterte.
Kasabay nito, inatasan ni Duterte ang mga opisyal ng airport na humingi ng sorry sa mga biktima ng pagnanakaw.

“The next time, if it happens, I will fire you. Sigurado ‘yan. Basta may nangyari pa ulit na maski nakawan o ano, I will fire you,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi naman ni Clark International Airport Corp. Acting President Alexander Cauguiran na nakasuhan na ang apat na empleyado na sangkot sa pagnanakaw.
“Ang MIASCOR po at naatasan natin mag-conduct ng investigation dahil alam natin na empleyado nila ang nakakakita lang sa bagahe. So madali pong napaamin. Inamin naman nila sa imbestigasyon. So kinabukasan, nag-file po kami ng — pina-terminate na namin po at at the same time, pina-demanda,” sabi ni Cauguiran.
Idinagdag ni Cauguiran na binayaran na rin ang mga biktima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending