Hindi bobo si Pangulong Digong | Bandera

Hindi bobo si Pangulong Digong

Ramon Tulfo - January 18, 2018 - 12:10 AM

HINDI bobo si Pangulong Digong upang ipasara ang Rappler na masugid na kritiko niya at ng kanyang administrasyon.

Bakit niya ipasasara ang Rappler gayong alam niya ang ingay na aanihin ng kanyang administrasyon dahil ito’y maliwanag na paglabag sa malayang pamamahayag o freedom of the press?

Isa lang sa mga commissioners ng Securities and Exchange Commission (SEC), na nagpasara ng online news site, ang appointed ni Pangulong Digong, si Emilio Aquino. Ang iba ay mga appointees pa ng dating Pangulong Noynoy “Kuyakoy.”

Ibig sabihin niyan, di niya kakampi ang mga commissioner ng SEC.

Sa aking pananaw, isa sa dalawang dahilan kung bakit ipinasara ng mga appointees ni P-Noy ang Rappler:

• Sumisipsip ang mga SEC commissioner kay Manong Digong upang sila ay ma-reappoint.

• Malaki ang utang na loob nila kay PNoy kaya’t gusto nilang masira si Mano Digong sa mata ng mga bansang demokratiko.

***

Sinasabing nakialam si Bong Go, presidential special assistant, sa pagpili ng supplier sa Philippine Navy sa P15.7 billion warship program.

Pakikialam ba ang i-forward ni Go kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isang sulat na kumokontra sa supplier na pinili ng Navy?

Ang ginawa lang naman ni Go ay ipadala ang sulat kay Lorenzana upang alamin kung ano ang kanyang masasabi sa nakasaad sa sulat.

Walang opinyon ang ginawa ni Bong Go nang i-forward niya ang sulat kay Lorenzana.

Ministerial lang ang ginawa niya dahil trabaho ni Go ang ipadala ang mga libu-libong sulat na natatanggap ng kanyang opisina, ang Presidential Management Staff (PMS), sa iba’t ibang tanggapan ng Executive department.

Ang aking kapatid na si Tourism Secretary Wanda Teo ang makakapagpatunay na hindi nakikialam si Bong Go sa gawain ng mga ibang opisina sa Executive department.

Sang-ayon si Wanda na magpatayo ng shrine ng isang grupo – at no cost to the government — ng imahen ng Mazu, goddess of the sea ng mga Chinese.

May sumulat sa PMS na kinokontra ang pagpapatayo ng shrine na harap sa Manila Bay sa loob ng Cultural Center Complex.

Sinasabi sa sulat na bilang isang Catholic country ay hindi dapat payagan na magtayo ng isang imahen ng ibang relihiyon sa government property.

Gaya ng ginawa niya kay Lorenzana, ipinadala din ni Go ang sulat kay Wanda na wala siyang komento.

Ipinaliwanag ni Wanda na malaki ang magagawa ng shrine sa turismo ng bansa dahil daang libong Tsino sa buong mundo ang bibisita sa shrine.

Sa ibang lugar, gaya ng Macau, Taiwan at China, dinadayo ng daan-daang libong deboto ang Mazu shrine.

Matapos maipaliwanag ni Wanda ang kanyang opinyon ay wala na siyang narinig kay Bong Go.

Kung baga, si Bong Go ang traffic sa mga libu-libong correspondence na natatanggap ng Malakanyang araw-araw. He re-directs the flow of hundreds of letters to the department or office concerned.

***

Walang pagkakaiba ang ginagawa ni Bong Go sa mga ginagawa ng mga kongresista sa mga aplikante ng trabaho na pumupunta sa kanilang mga tanggapan.

Binibigyan nila ng letter of recommendation ang mga aplikante sa iba’t ibang opisina ng gobyerno.

Oftentimes, yung mga letters of recommendation ng mga kongresista ay pinagkakamalang “pressure” sa opisina na tumatanggap ng mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang totoo niyan, kapag hindi tinanggap ng opisina ang aplikante ay walang magawa ang kongresista na nagrekomenda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending