Maja kay John Lloyd: Respetuhin na lang natin, maging masaya tayo para sa kanya! | Bandera

Maja kay John Lloyd: Respetuhin na lang natin, maging masaya tayo para sa kanya!

Ervin Santiago |January 18,2018
facebook
share this

Maja kay John Lloyd: Respetuhin na lang natin, maging masaya tayo para sa kanya!

Ervin Santiago - January 18, 2018 - 12:20 AM


IKINAGULAT din ng Dance Diva na si Maja Salvador ang balitang ikakasal na raw ang kanyang kaibigang John Lloyd Cruz sa girlfriend nitong si Ellen Adarna ngayong Pebrero. Ito’y sa gitna na rin ng mga balitang buntis na ang sexy star.

Nakachika namin si Maja after ng presscon para sa kanyang next major concert, ang “Maja On Stage” at natanong nga ang dalaga tungkol sa John Lloyd-Ellen wedding.

Tugon ni Maja, “Meron ba? Echosera ka! Buti pa alam mo. Ako, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Whatever it is, as long as he’s happy.

“Ini-enjoy niya yung life. Wala akong dapat pigilan du’n. And I think, tayong lahat, walang makakapigil kung masaya ang isang tao,” pahayag ng singer-actress-dancer.

Hirit pa ng female BFF ni Lloydie, “Let’s be happy. Let’s respect him. Maging masaya tayo. Tsaka, yun ang buhay, maging masaya ka.”

Samantala, speaking of her concert tour, sinabi ni Maja na sasailalim siya sa matinding training para rito, “Siguro po siyempre marami pong tours na mangyayari siguro babalik ako sa pagwo-workput para ma-strengthen ko ang legs ko at magbo-voice lessons po ako ulit kasi ganu’n po ‘yung gusto ko lagi pag maluwag schedule. Kung saan ako mahina, kung saan ako di ganu’n ka-confident, pinag-aaralan ko po.”

Samantala, nang-agaw na naman ng eksena sina Lloydie at Ellen sa social media matapos kumalat ang mga bagong nilang photo na kuha sa kanilang “cozy date night” sa bahay.

Base sa mga screen shot na ipinost ng mga followers ni JLC na kuha sa Instagram Stories, mukhang enjoy na enjoy pa rin ang aktor sa piling ng kanyang dyowa.

Sa isang video naman na ipinost ni Ellen sa IG, makikita si Lloydie habang nag-iihaw ng gulay, isda at bacon na kuha sa isang lanai na may tent na napapalibutan ng Christmas lights. Nilagyan ito ni Ellen ng caption na: “Dinner date set up at home by my [love] because i dont want to go out.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending