Bonggang imbitasyon sa debut ng apo ni Duterte yayamanin
IBA’T IBA ang naging reaksiyon ng madlang pipol sa bonggang-bonggang debut ng Presidential granddaughter na si Isabelle Duterte na magaganap ngayong Biyernes sa The Peninsula Manila.
Bukod kasi sa kontrobersyal na pre-debut pictorial ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinunan sa loob ng Malacañang at sa Sydney, Australia kung saan nagsuot ng walong designer gowns ang dalaga, kumalat na rin sa social media ang kanyang bonggacious na LED invitation.
May maliit na screen na naka-attach sa imbitasyon kung saan pwedeng mapanood ang extended version ng kanyang “save-the-date video” at ang mga eksena sa kanyang pictorial.
Ayon sa isang entertainment website posibleng umabot sa P3,000 kada piraso ang nasabing imbitasyon. Sa Facebook nina Dr. Manny at Pie Calayan unang nakita ng mga netizen ang invitation ni Isabelle at sari-saring komento nga ang nabasa namin.
Sey ng isang basher, “Sobrang extravagance lalo’t ang daming Pinoy na naghihirap.”
Pero mas marami pa rin ang humanga at nainggit sa apo ni Digong as one claimed, “Winner! Kung ganyan invite ko baka isa lang ipapagawa ko. Share share na lang lahat. Hahahaha!”
“Kainggit naman talaga ang babaeng ito! Ikaw na girl! Sa presyo pa lang ng ambitasyon pwede na akong magpa-party sa isang bonggang beach resort! Pero okay lang, karapatan din naman niyang maging masaya, di ba? Go gurl!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.