Sikat na aktor may kundisyon para matanggap ang dyowa ng anak | Bandera

Sikat na aktor may kundisyon para matanggap ang dyowa ng anak

Cristy Fermin |January 16,2018
facebook
share this

Sikat na aktor may kundisyon para matanggap ang dyowa ng anak

Cristy Fermin - January 16, 2018 - 12:15 AM


MAY malalim naman palang dahilan kung bakit may kabigatan ang pagtanggap ng isang pamosong aktor sa karelasyon ng kanyang anak. Marami kasing nakarating na kuwento sa kanya tungkol sa male personality.

Makapamilya kasi ang sikat na aktor, lahat ay ginagawa at gagawin niya para sa kanyang pamilya, wala siyang hindi gagawin sa kapakanan ng kanyang mga kadugo.

Kuwento ng aming source, “Maraming nakakausap si ____ (pangalan ng sikat na aktor), nagbabasa rin siya ng mga tabloids, tutok din siya sa social media, kaya nakapagtataka pa ba kung bakit marami siyang alam tungkol sa buhay ng mga kapwa niya artista?

“Isa sa mga nabasa niya ang hindi kagandahang ginawa ng male personality sa family niya. Di ba, lumabas ang kuwento na dahil sa karelasyon niya, e, nasikmura niyang paalisin sa house niya ang family niya?

“Imagine, nagkawatak-watak ang pamilya nang dahil sa decision niya. May umuwi sa probinsiya, may umupa na lang ng apartment, ang isang utol niya naman, e, tumira sa condo.

“Hindi ‘yun naitago sa sikat na aktor, nagpaimbestiga siya, hanggang sa nalaman niyang totoong nagkaproblema ang family ng lalaking karelasyon ng anak niya,” kuwento ng aming source.

‘Yun pala ang dahilan kung bakit ayaw makita ng popular na aktor ang male personality, umiiwas talaga siya, dahil baka mapagsalitaan niya nang todo ang lalaking personalidad.

“Tama lang naman siya du’n. kailangang iayos muna ng male personality ang buhay ng family nila bago siya pumasok sa isang seryosong relasyon. Ang katwiran ng male personality, e, maayos na raw ang relasyon ng family nila ngayon.

“Magkakasundo na raw uli sila, pero hindi pa solved ang sikat na aktor sa mga sinasabi niya. Proof muna nga naman, di ba? Nasaan ang pruwebang okey na sila?

“Dahil kung nagawa ‘yun ng male personality sa family niya, e, bakit hindi rin niya ‘yun magagawa sa karelasyon niya? Nagsisiguro lang naman ang father ng karelasyon ni male personality.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sinu-sino sila? Expected n’yo na ba kung sino ang sikat na aktor sa kuwento?” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending