Horoscope, January 15, 2018 | Bandera

Horoscope, January 15, 2018

Madam Sophia - January 15, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Palamig ng palamig ang panahon, pero patuloy naman ang pag-init ng relasyon. Sa pinansyal, habang maikli ang kumot matutong mamaluktot. Sa panahon ngayon hindi dapat na maging magastos. Tipid-tipid lang muna hanggang sa dumami ng dumami ang sa-vings. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Sa taong ito ng 2018 higit sa iyong inasahan ang grasyang darating. Kapag maraming grasya, ipunin ang iba at ipamahagi naman ang sobra sa mga mahihirap at kapos-palad. Sa pag-ibig, wag tipirin ang minamahal, dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig, ng lambing at ng pagmamahal. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Sa taong ito ng 2018 i-priority ang pagpapaganda at kalusugan upang maiwasan ang pagkakasakit. Sa pag-ibig, sa malusog na pangangatawan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Kahit malamig ang panahon, hindi dapat tamarin. Lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig, kung hindi man kayo pinagtagpo ng tadahana sa ngayon, bukas makalawa muling pag-iisahin ng kapalaran ang inyong mga landas. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. White at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Masosolusyunan ang problema kung sa halip na emosyon, rason at praktikalidad ang paganahin. Habang hinahawakan at sinusupil mo ang iyong damdamin, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) Wag maging mapaglaro sa pag-ibig upang hindi ka rin laruin ng kapalaran. Ang pagiging tapat ay nagbubunga ng kaligayahan, habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay nagdudulot ng pagyaman. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om”. Gray at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) Sa taong ito ng 2018 bilis ang susi upang lumigaya at umunlad ka agad. Sa anumang transakyong papasukan, bilisan mo ang pagkilos upang tumabo ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, bilis din ang susi upang muling mag-alab ang isang naghihingalong relasyon. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Yellow at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)-Sa taong ito ng 2018 hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat may malaking problemang makakaharap. Sa pag-ibig, wag agad papatol sa isang relasyong hindi pa napapanahon at hindi pa dapat. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Magiging maunlad ang taong ito ng 2018 kung papalitan na ang lumang kurtina o pintura ng dingding sa inyong bahay. Apple green at iba pang shade of green ang magdadala ng buenas sa pananalapi at sa masarap na karanasan sa pag-ibig. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Mahirap mawalay sa minamahal ngunit kailangan mong gawin para umunlad ang buhay. Sa muli nyong pagkikita may napakasarap na romansang matitikman. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Purple at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa taong ito ng 2018 umpisahan mo ng palaguin ang kabuhayan at lalo mo pang sipagan ang mga gawaing pinagkakaperahan. Bukas ang bintana ng langit para sa iyo, basta maging busy ka lang, bubuhos ang mas maraming suwerte at mga biyayang pangmateryal ngayong taong ito ng 2018. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Huwag kang magmukmok sa iyong silid. Oo, kalimutan na ang nakaraan. Bagong career at bagong ka-relasyon ang dapat. Sa ganyang paraan, higit na mas magiging produktibo at maligaya ang buhay ngayong taong ito ng 2018. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Tama ang ginagawa mong pagsisikap para sa pamilya. Pinapanood ka ng langit. Kung paanong nakikita kung gaano ka kasipag, sa susunod na mga araw hitik at dobleng biyaya ang iyong matatanggap. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending