Meryll umaming gumamit din ng ilegal na droga: Nagrebelde ako! | Bandera

Meryll umaming gumamit din ng ilegal na droga: Nagrebelde ako!

Ervin Santiago - January 12, 2018 - 04:35 PM


DIRETSONG inamin ng anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano na nag-drugs din siya noon bilang bahagi ng kanyang pagrerebelde sa buhay.

Ayon sa aktres, hindi niya itinatanggi na nakatikim din siya ng ilegal na droga dahil sa depresyon, pero matagal na raw iyon.

“Nag-ano ako noon, nag-drugs. I think it was just part of ‘yung pagiging rebelde ko. And 10 years na akong sober, 10 years na akong clean,” ang pahayag ni Meryll sa panayam ng Magandang Buhay kahapon ng umaga.

Pagpapatuloy pa niya, “I struggled with show business because I really wanted to go to school. Doon na nag-start ‘yun. I wanted to go abroad for college and hindi ko magawa because I was already working. I felt like I’ve been working and I really wanted to go and have an education abroad.

“Tapos parang di puwede. So ‘yon na, nag-start na akong magrebelde. Di ko ever naramdaman na hindi ako kilala. So ‘yon, nag-start na,” aniya pa.

Ipinagdiinan pa ng aktres na mas mabuti pa rin na may support system ang isa tao para may paghuhugutan ito sakaling atakihin ng matinding lungkot o depresyon.

“I think anybody who’s going through a hard time should learn how to ask for help. I think that’s very, very important kasi ‘yun ang nag-save sa akin. I asked for help noong parang di ko na kaya. Tapos ‘yung faith mo [mahalaga]. Nagising na lang ako ng isang araw na, ‘Lord, ayaw ko na.’ Then I talked to my parents,” kuwento pa ni Meryll.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending