Mandatory PhilHealth coverage | Bandera

Mandatory PhilHealth coverage

Liza Soriano - January 12, 2018 - 12:10 AM

ISANG pagbati mula sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay taga Molino, Bacoor, Cavite na nagtatrabaho bilang saleslady sa SM Bacoor Cavite. Matagaal na pong nag 60-years old ang tatay ko at may three years na rin na tumatanggap ng pension sa Social Security System. Gusto ko lang sanang itanong sa PhilHealth kung  automatic na member po ang tatay ko.

Bagaman sa awa ng Diyos ay malakas naman ang kanyang pangangatawan subali’t mabuti na rin po ang may kasiguruhan sakaling magkasakit ay malaking tulong ang Philhealth. Ask ko rin po dahil dalaga pa naman ako kung pwede ko siyang gawing beneficiary sa aking PhilHealth  dahil regular employee na rin ako bilang saleslady.  Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan.

Nagpapasalamat at umaasa para sa agarang sagot.
Rita Agustin
Cityhomes, Molino Bacoor Cavite

REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!

Lahat po ng miyembro ng PhilHealth na umabot na sa edad ng pag-retiro, nakaipon ng hindi bababa sa 120 buwan ng kontribusyon (kasama ang kontribusyon noon sa Medicare), at hindi na konektado sa kumpanya ay kwalipikado sa ating Lifetime Member Program.

Ang isang Lifetime Member po ay maaari nang mag-avail ng benepisyo mula sa PhilHealth nang hindi na kinakailangan pang magbayad ng premium contributions.

Ipasa lamang ang mga sumusunod na dokumento sa kahit saang PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO):
Duly accomplished PhilHealth Membership Registration Form (PMRF)
Two (2) pieces of latest “1X1” ID picture
Photocopy of Birth Certificate or ANY two (2) valid IDs issued by a government official authority with birth date. Please present original copy.
In addition for SSS Retirees/Pensioners:

SSS Certification indicating date of effectivity of retirement/ pension and
Print out of monthly SSS Medicare contributions from January 1972 to June 1999.
Kung ang inyo po namang magulang ay hindi nakaipon ng 120 buwan na kontribusyon, sila po ay maaaring magpa-rehistro sa ilalim ng RA10645 o ang “Mandatory PhilHealth Coverage for all Senior Citizens” sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng municipalidad ng inyong lugar o kahit saang pinakang malapit na PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO). Dalhin lamang po ang mga sumusunod na dokumento:

Maaayos na pinunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF), pakitingin ang naka-attach na file;
isang updated na 1×1 picture (photo taken within the last 6 months); at
Senior Citizen’s ID card na nanggaling sa OSCA o anumang dokumento na magpapatunay sa kanyang pagkakakilanlan at kanyang edad tulad ng Birth Certificate o passport.
Samantala, amin pong pinapaalala na hindi po maaaring magpa-rehistro ang kasalukuyang miyembro na ng PhilHealth sa ilalim ng Sponsored o indigent program at lifetime member program.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.

Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming salamat po!
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending