Direk Cathy Garcia ayaw magninang sa wedding nina John Lloyd at Ellen

By Julie Bonifacio January 12,2018
share this

Direk Cathy Garcia ayaw magninang sa wedding nina John Lloyd at Ellen

By Julie Bonifacio January 12,2018
share this

CATHY GARCIA, ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

NAHIMASMASAN ang box-office director na si Cathy Garcia nu’ng makarating sa kanya ang balitang hindi true na magpapakasal na ang favorite leading man niyang si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

When asked to give her reaction sa balitang kasalan nina Lloydie at Ellen, sunud-sunod na tanong ang isinagot niya sa amin. Hindi pala siya aware sa balita na nauna nang pinabulaanan ng kaibigan ni Ellen na si Beauty Gonzales.

“Ah, ‘yun naman pala. Ha-hahaha! Nasa Timbuktu yata ako,” kasunod ang smiley emoticons sa ipinadalang text message sa amin ni Direk Cathy.

Tinanong ulit namin siya kung papayag ba siyang maging ninang nina Lloydie at Ellen either sa kasal or sa magiging baby nila.

“Sa kasal, hindi. pero sa baby, pwede. Ha-hahaha!”

Samantala, nakikipag-meeting pa lang daw si Direk Cathy para sa next movie project niya with Daniel Padilla and Kathyrn Bernardo.

At the moment, she’s working on a new project. Pero hindi pa raw pwedeng sabihin kaya abangan na lang natin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending