Marian napahagulgol sa sorpresa ni Dingdong | Bandera

Marian napahagulgol sa sorpresa ni Dingdong

Jun Nardo |January 11,2018
facebook
share this

Marian napahagulgol sa sorpresa ni Dingdong

Jun Nardo - January 11, 2018 - 12:05 AM

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA

BIGO ang mga umaasang magiging special guest si Dingdong Dantes sa fantasy series na Super Ma’am ng asawang si Marian Rivera.

Rason ni Yan sa members ng press na bumisita sa taping ng programa niya, “Hindi na kakayanin eh. Tatlong weeks na lang kasi sa ere ito at para sa akin, okey na ‘yon dahil ilang beses na itong na-extend.”

Gaya ng sa kanyang past TV  shows, nakabuo muli ng bagong pamilya sa SM si Marian. Magkakapatid ang turingan nila at panganay ang turing sa kanya. Madalas na siya ang punong-abala tuwing may okasyon gaya ng nakaraan nilang Christmas party na siya mismong ang nag-organize.

“Madalas kasi silang maglambing sa akin. Heto, sa pagtatapos namin, aasikasuhin ko naman ang cast party namin. Bilang malalakas sila sa akin eh, di sige, ako ang gagawa. Ha! Ha! Ha!” aniya.

Nitong nakaraang holidays, mga pamilya niya at ng asawa ang nakasama niya. Pero after ng Christmas, isiningit nila ni Dong ang pagbabakasyon sa Siargao.   Siyempre, inurirat ng press kung masusundan na this year si Zia, huh!

“Naku, meron nga ako ngayon! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Yan.

Bilang regalo naman, damit at lalagyan ng make up kit ang regalo sa kanya ng asawa. Pero sobrang na-touch siya sa wedding anniversary video na ginawa ni Dingdong for her. Sa simula pa lang ay humihikbi na siya at nu’ng lumabas na ang video ni Zia, tuluyan na siyang humagulgol!

Ayon kay Yan, ipinagmalaki niya sa ama na nasa Spain ang anniversary video na ‘yon at pinapanood sa pamilya nilang mag-asawa nu’ng Bagong Taon.

Basta sa pagtatapos daw ng SM, mas maaaksyong eksena ang ihahatid ng buong cast.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending