Kris swerte sa Year of the Dog, pinayuhang mag-produce ng maraming pelikula sa 2018 | Bandera

Kris swerte sa Year of the Dog, pinayuhang mag-produce ng maraming pelikula sa 2018

Cristy Fermin |January 11,2018
facebook
share this

Kris swerte sa Year of the Dog, pinayuhang mag-produce ng maraming pelikula sa 2018

Cristy Fermin - January 11, 2018 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

AYON sa aming source ay wala nang makahaharang pa sa planong pagpoprodyus ng mga indie films ni Kris Aquino. Puwedeng kasama siya sa proyekto o hindi, pero ang sigurado, papasok na sa pamumuhunan sa pelikula ang aktres-TV host.

Kayang-kaya namang gumawa ni Kris ng mga pelikula nang kahit sabay-sabay, sobra-sobra ang kanyang puhunan, pero maraming pabor na sana’y bumida rin siya sa pelikula at hindi basta producer lang.

Ayon naman sa mga feng shui expert ay magiging suwerte ang 2018 para kay Kris dahil ipinanganak siya sa Year Of The Pig. Taon daw ito ng aktres-TV host na magdadalawang taon nang hindi napapanood sa telebisyon.

Sana nga ay mangyari at bumalik ang kanyang suwerte sa taong ito, marami nang nakaka-miss sa atake niya sa paghawak ng programa na kanyang-kanya lang, walang ibang makakaplakado.

Maligaya naman si Kris sa piling ng kanyang mga anak, bilang ina ay wala na siyang hahanapin pa, pero sa katotohanan lang ay hinahanap na ng kanyang sistema ang pagharap sa mga camera ng telebisyon.

Bukod kina Josh at Bimby ay ‘yun ang kanyang buhay. At ang kanyang kaligayahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending