Di bababa sa 262 katao ang nasugatan sa kasagsagan ng “traslacion,” o prusisyon, ng Itim na Nazareno sa Maynila, kung saan mahigit 1.4 milyon deboto ang dumagsa.
Sa datos ng National Capital Region Police Office, sinasabing humigit-kumulang 720,000 katao ang kasabay ng imahen habang binabaybay nito ang distrito ng Quiapo alas-5 ng hapon.
Hiwalay naman sa bilang ang tinatayang 760,000 kataong nakaantabay sa pagdating ng poon sa Basilica Menore, o St. John the Baptist Parish, sa ganoon ding oras.
Karamihan sa mga nasugata’y pawang mga natusok ang paa, nagalusan, o nagkapasa dahil sa giriang karaniwang nagaganap sa traslasyon, ayon sa pulisya.
Di pa kasama sa 262 sugatan ang daan-daang nilapatan ng lunas para sa altapresyon at pagkahilo.
Hiwalay naman sa bilang ang tinatayang 760,000 kataong nakaantabay sa pagdating ng poon sa Basilica Menore, o St. John the Baptist Parish, sa ganoon ding oras. Karamihan sa mga nasugata’y pawang mga natusok ang paa, nagalusan, o nagkapasa dahil sa giriang karaniwang nagaganap sa traslasyon, ayon sa pulisya. Di pa kasama sa 262 sugatan ang daan-daang nilapatan ng lunas para sa altapresyon at pagkahilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending