Pattern nakita sa pagkamatay ng 3 nabakunahan ng Dengvaxia-forensic expert | Bandera

Pattern nakita sa pagkamatay ng 3 nabakunahan ng Dengvaxia-forensic expert

- January 09, 2018 - 05:55 PM

SINABI ng isang forensic expert na may pagkakapareho sa naging sanhi ng pagkamatay ng tatlong batang nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, director ng Public Attorneys’ Office (PAO) Forensic Laboratory, nasuri na nila ang tatlong bata na nabigyan ng Dengvaxia vaccine at pareho-pareho ang naging obserbasyon sa mga ito kagaya ng internal bleeding, enlarged organs at pawang namatay anim na buwan matapos makatanggap ng bakuna.

Unang sinuri ang 10-anyos na si Anjielica Pestillos, na namatay noong Disyembre 15, 2017. Tumanggap siya ng Dengvaxia noong Setyembre 2017. Nakalagay sa kanyang death certificate na namatay siya sa systemic lupus erythematosus o auto immune disease.

Base sa inisyal na eksaminasyon, nakaranas ito ng enlarged liver na umabot ng mahigit isang kilo, ayon kay Dr. Erfe.
Samantala, namatay naman ang 10-anyos na si Lenard Baldonado, ng San Pedro, Laguna,  dahil sa septic shock secondary to raptured appendix.

Ngunit base sa pagsusuri, nagkaroon ito ng bleeding lungs at enlarged organs.

Idinagdag ni Dr. Erfe na isasailalim sana si Baldonado sa operasyon nang makaranas siya ng cardiac arrest.

Sinabi naman ni Erfe na nagkaroon naman ng bleeding mula brain, lungs, heart at liver ang 11-anyos.

“They all died within six months after receiving the vaccine. Their health condition went rapidly downhill,” sabi ni Dr. Erfe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending