Alexander Lee maraming natutunan kay Heart: I will miss her!
MALUNGKOT ang Korean actor na si Alexander Lee sa malapit nang pagtatapos ng unang Pinoy series na kanyang ginawa, ang My Korean Jagiya. Ang GMA series kasi ang pinakamasayang proyektong nagawa niya kaya hindi niya mapigilang maging emosyonal.
Aminado rin siyang hahanap-hanapin niya ang leading lady niyang si Heart Evangelista na sobra niyang nakagaanan ng loob.
“I will miss having heart to heart talks with Heart. She really understands my feelings instantly and always gives me good advice on work and even on life. I will definitely miss working with her and the chemistry is just perfect,” pahayag ni Lee.
Hindi naman magtatapos ang career sa Pinas ni Alexander sa pagwawakas ng MKJ dahil certified Kapuso artist na rin siya, ang GMA Artist Center na ang magma-manage ng career niya sa bansa kaya siguradong marami pa siyang gagawing proyekto sa Kapuso Network.
q q q
Palung-palo sa rating ang tambalan nina Barbie Forteza at Jak Roberto sa nakaraang episode ng Magpakailanman nu’ng Sabado. Tinalo kasi nito ang katapat na programang Maalaala Mo Kaya, huh!
Eh, nakabuo na rin kasi ng followers ng tambalan nina Barbie at Jak nang gawin nila ang Meant To Be.
Nauwi pa nga sa totohanan ang kanilang relasyon matapos magtambal sa telebisyon kaya naman buhay na buhay ang dugo ng Jak-Bie fans at todo suporta pa rin sa dalawa.
Sa totoo lang, marami ring na-inspire sa role ni Barbie bilang matabang babae pero nakatagpo pa rin ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.
Kaya yung fitness goals na ginawa ng Kapuso actress sa istorya upang bumalik ang kanyang alindog eh, todo-relate ang manonood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.