May posibilidad na umulan sa araw ng Traslacion sa Martes. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration magiging maulap ang papawirin ng Metro Manila sa pista ng Itim na Nazareno dulot ng Hanging Amihan. Ang mga ulap na ito ay maaaring magdala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Kamaynilaan. Wala namang namamataang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending