BiGuel loveteam waging-wagi sa puso ng mga netizen
IBA pa rin talaga ang powers ng tambalang BiGuel lalo na sa pagpapakilig ng kanilang mga fans all over the world.
No wonder, isa ang loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa talagang pinakakinakikiligang Kapuso tandem sa bansa.
In fairness, patuloy na nakikipagsabayan ang BiGuel sa mga kilalang loveteam sa Pilipinas. Palaging nasa top trending topic ang dalawang Kapuso stars dahil sa kanilang primetime series na Kambal Karibal na humahataw ngayon sa ratings game.
Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang programa na talaga namang kakaiba at interesting ang story line.
Ngayon nga, maraming netizens ang halu-halo ang reaksyon dahil sa namumuong galit na nararamdaman ni Crisel (Pauline Mendoza) sa kakambal niyang si Crisan (Bianca) sa pag-aakalang inaagaw nito si Diego (Miguel) sa kanya.
At ang isa pang plot twist ay nalaman na ni Manuel (Christopher de Leon) na apo niya si Diego. Ano na nga kaya ang susunod na mga kaganapan sa Kambal Karibal? Tutukan ang pagpapatuloy ng kakaibang kuwento ng pag-ibig sa Kambal Karibal sa GMA Telebabad after Super Ma’am.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.