Ikatlong diretsong panalo asinta ng NLEX Road Warriors | Bandera

Ikatlong diretsong panalo asinta ng NLEX Road Warriors

Angelito Oredo - January 07, 2018 - 12:08 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. NLEX vs Phoenix Petroleum
6:45 p.m. Barangay Ginebra vs GlobalPort
Team Standings: NLEX (2-0); San Miguel Beer (2-0); Phoenix (1-1); TNT KaTropa (1-1); Magnolia (1-1); Blackwater (1-1); Meralco (1-1); Rain or Shine (1-1); Barangay Ginebra (1-0); Alaska (0-2): Kia (0-2); Globalport (0-1)

WALANG ibang asam si NLEX Road Warriors coach Joseller “Yeng” Guiao kundi makamit ng koponan ang ikatlong sunod na panalo subalit inaasahang hindi ito basta na lamang ibibigay ng Phoenix Fuel Masters sa pagbabalik ng 2017-18 PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Unang magsasagupa ang NLEX at Phoenix sa alas-4:30 ng hapon bago sundan ng salpukan sa pagitan ng Barangay Ginebra Gin Kings at GlobalPort Batang Pier sa alas-6:45 ng gabi.

Mula sa pagiging kulelat, unti-unting pinalakas ni Guiao ang NLEX tungo sa paghawak ng liderato kasalo ang three-time Philippine Cup defending champion San Miguel Beermen sa malinis na 2-0 panalo-talong kartada.

Gayunman, hindi rin puwedeng balewalain na lamang ang nagpapakita ng tibay na Fuel Masters na nagawang gulatin ang Beermen sa una nitong laro bago tuluyang pinigil ang 10 sunod na kabiguan sa pagbigay ng unang panalo sa bago nitong coach na si Louie Alas.

“Dito masusubok kung hanggang saan talaga namin makakaya ang kaya namin maabot,” sabi ng pitong beses na naging kampeon na coach na si Guiao, na matatandaang binitbit ang Road Warriors sa Governors’ Cup playoffs.

“Teams are preparing harder for us so we must prepare as hard against them,” sabi pa ni Guiao. “Phoenix is knocking at the door of the league’s elite teams. New faces and new coaching staff are changing the culture of this team. That’s very dangerous for all other teams. It’s with this thought that we approach our game against them.”

Ang laban ay unang pagkakataon naman para kay Alas, na dating assistant coach ni Alex Compton sa Alaska, na makakatapat ang kanyang anak na si Kevin.

“Major concern ko is mga guards ng NLEX, kung paano i-contain, limit transition and fastbreak points nila,” sabi ni Alas, na bagaman nakuha sa PBA Rookie Draft ay hindi nakapaglaro sa PBA tulad ng kanyang anak dahil sa nagtamo ng career-ending injury sa tuhod.

Asam naman ng Gin Kings na masungkit ang ikalawang panalo at makisalo sa posibleng ikalawang puwesto o liderato sa pagsagupa sa Batang Pier na hindi pa rin makakasama ang injured na si Terrence Romeo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending