Lady Chiefs, Lady Stags wagi sa NCAA 93 women’s volley opener
Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. St. Benilde vs Letran (juniors)
9:30 a.m. St. Benilde vs Letran (men)
11 a.m. St. Benilde vs Letran (women)
12:30 p.m. JRU vs San Beda (women)
2 p.m. JRU vs San Beda (men)
WINALIS parehas ng nagtatanggol na kampeong Arellano University Lady Chiefs at San Sebastian College Lady Stags ang kani-kanilang mga nakasagupa sa pagbubukas ng NCAA Season 93 women’s volleyball tournament Huwebes ng hapon sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.
Kahit walo katao lamang ang Lady Stags sa lineup ay nagawa pa rin nitong ipakita ang tibay sa pagdodomina sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa loob lamang ng tatlong set, 25-16, 25-19, 25-16, habang agad din hinawi ng Lady Chiefs ang Mapua Lady Cardinals sa tatlong set, 25-10, 25-17, 25-13, para magsalo sa liderato.
Binitbit nina Joyce Sta. Rita, Dangie Encarnacion, Nikka Dalisay at Daurene Santos ang Lady Stags na may naiwan na walo na lamang aktibong manlalaro sa itinala na pare-parehas na 13 puntos. Siyam na manlalaro lamang ang naipasa ng San Sebastian bago magsimula ang torneo kung saan na-injury pa ang isa bago magbukas ang torneo.
“Bahala na si Batman,” sabi ni San Sebastian coach Roger Gorayeb. “Wala nang palitan ‘yan, bawal magkasakit, bawal magtampo, titiyagain na namin para sa eskwelang ito.”
“Sa tagal ko dito, 30 plus years sa NCAA, ito na ang pinakamahinang team,” dagdag ni Gorayeb.
Aminado si Gorayeb na hindi nakakuha ng mga bagong manlalaro ang Lady Stags dahil sa inimplementang bagong polisiya ng Department of Education na K12 o dagdag na taon para sa mga mag-aaral sa high school.
“Kulang sa tao, two years na walang recruitment dahil sa K12, next year meron na ako recruit,” sabi pa ni Gorayeb.
Sinandigan naman ng Lady Chiefs ang mga beterano na sina Regine Anne Arocha na may 12 puntos mula sa 9 na kills at tatlong service ace habang nagdagdag si Andrea Marzan ng siyam na puntos tampok ang dalawang block.
Nag-ambag din si Mary Anne Esguerra ng walong puntos, si Jovielyn Grace Prado na may pitong puntos at tig-aanim na puntos naman sina Necole Ebuen, Sarah Princess Verutiao at Princess Bello.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.