Coco malaki ang utang na loob sa pamilya ni Bong | Bandera

Coco malaki ang utang na loob sa pamilya ni Bong

Julie Bonifacio - December 31, 2017 - 12:20 AM


AS of this writing, wala pa ring inilalabas na official ranking ang MMFF Executive Committe among the eight official entries this year.

Pero kung ang aming pagbabasihan ay ang haba ng pila sa mga sinehan, ang mahigpit na magkalaban sa pagiging number one sa box-office ay ang pelikula ni Coco Martin na “Ang Panday” at “The Revenger Squad” ni Vice Ganda.

Mapalad kami dahil isa kami sa mga unang nakapanood ng “Ang Panday.” Highly recommended ang movie na ipinrodyus ni Coco na kanya ring pinagbibidahan and at the same time, ito rin ang kanyang first directorial job.

As a first time director, nakakabilib ang award-winning actor to direct a very ambitious project gaya ng “Ang Panday.” Naitawid niya nang maayos ang istorya ng bagong Panday kung saan pinagsama-sama niya ang magulong sa syudad, ang makulay na fairy land at ang daigdig ng kanyang kaaway na si Lizardo.

Grabe rin ang ipinakitang kasipagan ni Coco sa pagpro-promote ng movie niya. Nagpunta pa siya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas kabilang na ang Cavite kung saan Vice-Governor ang kanyang kaibigan na si Jolo Revilla.

Sa mga hindi nakakaalala, nakasama ni Jolo si Coco sa Pepeng Agimat. May mga malalapit kay Coco ang nagkwento na very grateful daw ang aktor sa chance na ibinigay ng pamilya ni Jolo sa kanya noon.

Kaya ganu’n na lang ang pagtanaw niya ng utang na loob kay Sen. Bong Revilla at sa pamilya nito.
Hindi pinalagpas ni Coco na mag-courtesy call sa punung-bayan ng Bacoor City na si Mayor Lani

Mercado-Revilla. Kaya hayun, nagkagulo ang mga empleyado sa Bacoor Government Center (BGC).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending