Kilalang aktres mala-halimaw ang ugali sa tunay na buhay | Bandera

Kilalang aktres mala-halimaw ang ugali sa tunay na buhay

Ronnie Carrasco III |December 30,2017
facebook
share this

Kilalang aktres mala-halimaw ang ugali sa tunay na buhay

Ronnie Carrasco III - December 30, 2017 - 12:15 AM


DA WHO? Tahimik at maayos na lang nagtatrabaho ang mga manggagawang ito sa malawak na ari-arian ng isang aktres, ito’y sa kabila ng natuklasan nilang “the evil side” to the latter’s persona.

Regular ang pagdalaw ng aktres sa lugar na ‘yon, para siyang royalty kung salubungin ng mga trabahante roon na kulang na lang ay maglakad siya sa red carpet.

In her frequent visits, in fairness ay parang may malaking piging doon. Nagpapakatay siya ng baboy at ilang manok. At kung may mas mahalagang okasyon, she’ll have a whole cow butchered and roasted.

Isang araw ay nagkasakit ang isang may-edad nang worker, he was temporarily replaced by a male relative who hardly knew the actress.

Nagkataong nasa malaking wooden gate in-assign ang pansamantalang relyebo, eksaktong paparating ang magarang sasakyan ng aktres na may convoy pa. Dahil hindi nga siya kilala ng pobreng worker, magalang niya itong tinanong, “Ma’am, saan po ang punta nila?”

Agad na nabuwisit ang aktres, pinamewangan ang kaharap sabay nagmura na, “!@#$%&*^! Hindi mo ba alam na ako ang nagpapalamon sa inyo?!”

Yumuko na lang ang napahiyang manggagawa, pero nang makaalis na ang aktres ay mangiyak-ngiyak nitong ibinahagi ang kahihiyang inabot niya sa kanyang mga kapwa trabahante.

Simula noon, kahit nagpapakatay pa rin ang aktres ng mga hayup ay tikman-dili ‘yon ng mga trabahante roon. No clues.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending