Nag-promise sa kanyang BFF: ‘Tandaan mo, kung may FPJ at Erap, meron ding Bong at Jinggoy…walang iwanan!!!’
ALL smiles ang pamilya, relatives and supporters ni former Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. na makita siya sa compound ng Revilla mansion noong Christmas eve.
Ginawaran ng Sandiganbayan si Sen. Bong ng 10-hour furlough kung saan ginamit niya ang mahahalagang oras na ‘yun sa piling ng malalapit sa kanyang puso.
Naluha ang marami sa ipinalabas na music video for Sen. Bong kung saan napaka-emosyonal nang pagkakanta ni Mayor Lani Mercado ng awiting “Maghintay Ka Lamang” pagkatapos ng misa.
Nagpaunlak naman si Sen. Jinggoy Estrada na magbigay ng mensahe for Sen. Bong at sa kanyang mga kababayan. Pero nagkwento muna si Sen. Bong tungkol sa kanila ni Sen. Jinggoy.
Three years nakasama ni Sen. Bong ang kumpareng Jinggoy niya sa loob ng PNP Custodial Center.
Habang si Sen. Bong naman daw ay naka-three years and six months plus four days nu’ng Dec. 24.
“Pare, ilang buwan ka na sa labas? Magtatalong buwan na? Three months na. Napakalungkot para sa akin na, kumbaga, dati nu’ng nand’yan si Pareng Jinggoy, kapitan kami, e. Pero ngayon, matibay pa ‘to,” bungad ni Sen. Bong bago ipakilala si Sen. Jinggoy.
Pinuri naman ni Sen. Bong ang kanyang maybahay na si Mayor Lani. Outstanding daw talaga ang misis niya bilang inang-puno ng Lungsod ng Bacoor at bilang ina at tatay na ng kanilang tahanan.
“Mama, I salute you. Talaga namang Wonder Woman. Hindi na siya ‘yung dating Wonder Woman na kung saan man si Superman, you always wandering where I am. Ngayon talagang Wonder Woman na siya. Pero talaga Mama, I salute you. Thank you very much.”
Dumating din ang bunsong anak ni Sen. Bong na si Ram sa Pinas from San Francisco, USA nu’ng umaga ng Dec. 24. Nag-aaral sa San Francisco si Ram pero umuwi lang para makasama ang pamilya niya ngayong Pasko.
Present din ang panganay nila ni Mayor Lani na si Inah del Rosario na naka-base na sa Davao at nag-aaral ng abogasiya. Kasama ni Ina ang kanyang mister na si Vince at mga anak.
“Kumpleto ‘yung mga anak ko. Nandito sila ngayon kaya napakasaya ko. Kahit na 10 oras lang ang binigay sa akin ng Sandigan Bayan pero sobrang sulit na sulit na rin po ‘yun,” masayang pahayag ni Sen. Bong.
***
Ang hiling lang daw niya ay sana patuloy lang ang panalangin na sana’y tuluyan na niyang malampasan ang napakatinding pagsubok sa buhay nila ng kanyang Pareng Jinggoy.
“Pero alam ko, ang ating Panginoon hindi sa atin ibibigay ‘to kung hindi natin kaya. Kahit na minsan parang, akala ninyo matatag si Bong Revilla? ‘Matapang ‘yan.’ Pero minsan, parang magigiba na ang dibdib ko,” nagaralgal na sabi niya.
Dugtong pa niya sabay pigil sa pagbuhos ng kanyang emosyon, “Laban! Laban! Ah, kaya natin ‘to.”
Pinasalamatan naman niya ang kanyang Pareng Jinggoy dahil kahit bisperas ng Pasko ay nandoon siya sa Cavite.
Isa lang daw ang panalangin ni Jinggoy ngayong Pasko, ang makalabas na ng PNP Custodial Center ang kanyang kaibigan.
“Hindi ko na ipapanalangin ang kkling sarili dahil nakuha ko na ‘yung ipinalanagin ko sa ating Poong Maykapal. Ang aking tanging panalangin ay makalabas na kagaad si Sen. Bong Revilla,” dagdag pa ng dating senador.
Kumukuha rin daw sila ng lakas ng loob sa mga taong bumibisita sa kanila ni Sen. Bong lalo na ang mga taga-Cavite na halos lingo-linggo ay nandoon.
“Ngayon, sinabi kanina ni Bong nu’ng nakalaya ako three months ago, para siyang nalungkot. Huwag ka namang malungkot, halos araw-araw din akong nasa Crame. At kahit kailan, hinding-hindi kita pwedeng pabayaan. Hindi na ako iba sa inyo. Ako po ay kapamilya ninyo. At sana po patuloy ninyong ipanalangin na sana sa lalong madaling panahin ay makalaya na itong partner ko.
“Isa lang ang ipapanalangain ninyo ha, ang partner ko, si Sen. Bong. Wala ng iba. Baka ipanalangin ninyo ‘yung isang Senadora doon? Baka mahirapan ang Diyos makinig sa inyo. Basta si Sen. Bong lang ang ipanalangin ninyo na makalaya na sa lalong madaling panahon.
“Sa aking kaibigan, gagawin ko ang lahat para makatulong sa ‘yo, para makalabas ka roon sa kulungan na ‘yun. At tandaan mo, kung merong FPJ at Joseph Estrada, merong Bong Revilla at Jinggoy Estrada,” pahayag ni Sen. Jinggoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.