Mestisang aktres sukdulan ang kaartehan, siguradong mamalasin ang career sa 2018 | Bandera

Mestisang aktres sukdulan ang kaartehan, siguradong mamalasin ang career sa 2018

Cristy Fermin |December 29,2017
facebook
share this

Mestisang aktres sukdulan ang kaartehan, siguradong mamalasin ang career sa 2018

Cristy Fermin - December 29, 2017 - 12:50 AM

MARAMING nagtatanong kung posible pang bigyan ng bagong proyekto sa isang malaking istasyon ang isang mestisang aktres na kasama ngayon sa isang serye ng network.

Mukhang malabo nang mangyari ‘yun dahil nakarating na sa mga bossing ng istasyon ang mga pinaggagagawa ng malditang aktres.

Kilalang-kilala siya sa pagiging makupad kumilos, pero may isa pang matindi, gustung-gusto niyang nagiging cause of delay siya sa taping.

Ayon sa kanyang mga kapwa artista ay dumarating naman siya sa taping nang nasa oras, pero mismong production staff ang nagpapatunay na napakabagal niyang kumilos, maarte siya at maraming kalokahan sa katawan.

Kuwento ng isang source, “Bagay na bagay sa kanya ang role ng kontrabida dahil hindi lang siya sa serye ganu’n, kahit sa totoong buhay. Ewan kung saan niya hinuhugot ang kaartehan niya!

“Nakapag-rehearse na sila, nakapagpalitan na sila ng mga dialogue, kukunan na lang ang eksena, pero gagawa pa siya ng kaartehan. Kesyo magsi-CR lang kuno siya, wiwiwi lang, pero napakatagal niya bago bumalik sa set.

“Inaantok na ang mga kaeksena niya, e, nasa dressing room pa rin siya, walang pakialam sa mga kapwa niya artista, super-bagal niya talagang gumalaw,” kuwento ng isang impormante.

Marami nang naaangasan sa aktres na ito, sumusuko na rin sa kaartehan niya ang buong produksiyon, kaya nakarating na sa mga ehekutibo ng istasyon ang kanyang mga kaartehan.

“Tama bang rorolyo na lang ang mga camera, e, pupunta pa siya ng CR at hindi babalik kaagad kesehodang siya na lang ang kailangan sa eksena?

“Namamaga na ang mga buto sa kamay ng mga tumatawag sa kanya sa kakakatok, pero hindi siya nagbubukas, mukhang natutulog na yata siya habang wait-to-death naman ang mga kaeksena niya!

“Naku, pagkatapos ng serye kung saan siya kasali ngayon, e, matatagalan pa siguro kundi man talagang hindi na siya bibigyan ng project sa network na ‘yun!

“Kailangan niyang mangako muna na hindi na siya mag-iinarte pa uli, hindi na niya paghihintayin ang mga co-stars niya, para magkaroon pa uli siya ng trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung makaasta naman kasi ang babaeng ‘yun, e, para siyang anak ng king and queen! Sobrang maldita!” pagtatapos ng aming source.

Getlak n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Jon at Ching Bautista Silverio?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending