Sarah kinakarir ang pagsasalita ng Korean; ‘Miss Granny’ unang pasabog ng Viva sa 2018
ALIW na aliw si Sarah Geronimo sa pag-aaral ng Korean language para sa 2018 movie niyang “Miss Granny.”
Ito’y adaptation ng isang sikat na Korean novel at ngayon pa lang excited na ang Popsters sa bagong handog ng singer-actress. Tuwang-tuwa nga raw si Sarah sa mga unang eksenang ginawa niya sa pelikula lalo na sa kanyang mga dialogue.
Under Viva Films ito na bago nga matapos ang taon ay co-producer ng dalawang super bigating entries sa MMFF na “Ang Panday” at “Revenger Squad.”
Inaasahang isa si Sarah sa mga local celebs na magpapatuloy ng magandang kapalaran sa box-office ng mga Pinoy movies come 2018. Makakasama rin niya rito si James Reid. Hindi lang sure kung jojn din dito si Nadine Lustre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.