Bong maraming bitbit na 'baon' pagbalik ng Camp Crame | Bandera

Bong maraming bitbit na ‘baon’ pagbalik ng Camp Crame

Cristy Fermin - December 27, 2017 - 12:20 AM


HINDI maipaliwanag ni Senador Bong Revilla ang naramdaman niya nang payagan siyang pansamantalang lumaya para makasama ang kanyang pamilya sa Noche Buena. Bitin man ang panahon ay maligayang-maligaya na ang aktor-pulitiko.

Hindi lang ang kanyang pamilya mismo ang nagpaligaya sa kanya, nagdatingan din ang kanyang mga tagasuporta, napagod man siya nang husto ay bitbit niya naman pabalik sa PNP Custodial Center ang umaapaw na kaligayahan.

Kuwento ni Mayora Lani Mercado nang tawagan kami para bumati ng Merry Christmas kinabukasan, “Napakasaya niya, hindi niya kasi akalain na ganu’n karami ang dadatnan niya sa bahay. May mga tarpaulin pang ipinagawa ang mga supporters namin bilang pagwe-welcome sa kanya,” masayang kuwento ng aktres-pulitiko.

Pagkatapos ng tatlong taon na pagkakapiit ay ngayon lang nakita ng senador ang kanyang ama sa labas ng PNP Custodial Center nang hindi nakaospital. Grabe ang kaligayahan ng matandang Revilla sa pagkakataong nagkita silang mag-ama.

Patuloy ni Mayora Lani, “Hindi nga niya mai-describe ang happiness niya. Talagang napakasaya ni senador, naniningkit lalo ang mga mata niya sa sobrang kaligayahan.

“Panalangin namin na sana nga, e, makalaya na siya, mabigyan na sana siya ng chance na makapag-post ng bail soon, para naman makumpleto na ang happiness ng family namin,” hiling ni Mayor Lani para sa kanyang mister.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending