Wish kay Kris: Sana makabalik na siya sa TV sa 2018! | Bandera

Wish kay Kris: Sana makabalik na siya sa TV sa 2018!

Cristy Fermin - December 26, 2017 - 12:20 AM

KRIS AQUINO

TAPOS na ang Pasko. Kahit paano ay nairaos natin ang selebrasyon. Ang pinaghahandaan naman natin ngayon ay ang pagpasok ng Bagong Taon.

Tulad ng Pasko ay bonggang-bonggang ipinagdiriwang ng mga Pinoy ang New Year. Mas magastos pa nga kung tutuusin, dahil nag-iipon tayo ng mga prutas na bilog sa ating hapag, bawal man ang mga paputok ay inilulusot pa rin ng mga kababayan natin ang ganu’n para maging produktibo raw ang pagpasok ng panibagong taon sa ating buhay.

Mas maingay, mas makislap, ganu’n ang nakagawian nating kultura kapag Bagong Taon. Mas maraming pailaw at paputok ay magiging mas masagana raw ang bagong taon na maeengkuwentro natin.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Sana naman, e, magkaroon na ng show si Kris Aquino next year. Sana, e, may magbukas nang pintuan ng network para sa kanya. Iba pa rin kasi ang atake ni Kris.

“Magbago na sana ang kapalaran ng career niya sa 2018, magbalik-TV na sana siya, magkaroon na sana uli siya ng show,” sabi ng kaibigan naming si Sonia.

Harinawa. Magdadalawang-taon nang walang programa si Kris, miss na siya ng mga kababayan natin, dahil siya lang ang TV host na may kapasidad na lantarang pakialaman ang buhay ng may buhay.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending