SINABI ng Palasyo na nakatakdang mag-usap sina Pangulong Duterte at anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte matapos naman ang pagbibitiw ng huli sa puwesto.
Sa isang panayam sa radyo, idinagdag ni Presidential Spokesperson Harry Roque hihintayin muna ng Malacanang ang resulta ng pag-uusap ng mag-ama bago magbigay ng opisyal na pahayag.
“Hayaan muna natin sila magkaroon ng pagkakataong magkausap pagkatapos nila ng kanilang pag-uusap e sigurado bibigyan ako ng madato ng Presidente na para magphayag ng kanyang mensahe,” sabi ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.