Google, YouTube bilib na bilib sa magic ni Kris sa socmed; mga viral video winner sa Singapore
HINDI pa rin nagbabago ang lakas ng impluwensiya ni Kris Aquino sa mga Pinoy. Kahit sa social media na lang siya napapanood (Facebook at Instagram) ay patuloy pa ring dumarami ang kanyang followers.
Ilang taon na rin siyang hindi napapanood sa telebisyon pero parang wala namang nagbago sa karisma niya sa publiko. Tulad na lang sa ineendorso niyang online shopping app na Adobomall na ni-launch nitong Oktubre lang na balitang nag-crash agad ang application dahil hindi na kinaya ang dami ng orders mula sa online shoppers.
Malaki ang naitulong ng Queen of Social Media and Online World sa Adobomall apps para lalong tangkilikin at dumami ang namimili sa kanila online.
Napaka-convenient na talagang mamili sa online ngayon lalo na sa mga taong abala sa maraming bagay. Mas praktikal nga naman ito kesa pupunta ka pa sa malls na sobrang trapik at sobrang haba ng pila sa parking at sa pagbabayad.
Aminado ang Google at YouTube na may ibang mas marami ang followers kumpara kay Kris, pero mas marami naman ang engagements sa social media accounts ng TV host dahil as of now ay nasa 3.2 million na ang followers niya sa IG, 1 million sa Facebook at 1.4 million naman sa Twitter. Sa YouTube ay meron na siyang 70,000 followers kahit bago pa lang ang account niya.
Kuwento ng staff ni Kris na si Jack Salvador, “IG talaga ang basehan namin kasi nagmi-mirror lang ito sa FB, sa YouTube. Ang reliable namin IG. Nagugulat kami roon, kasi bigla-bigla may post na si Madam (Kris).”
Kaya raw mataas ang engagement ni Kris sa IG ay dahil siya raw mismo ang nagre-reply at hawak daw talaga ito ng mama nina Joshua at Bimby. At dahil dito ay inimbitahan nga si Kris sa Google/YouTube Singapore.
Kuwento pa ni Jack, “Yung buong mall nila puro videos ni Madam kasi natutuwa sa kanya ang Google at YouTube. Then on the following day nagpunta naman kami sa Facebook and Instagram at ganoon din, iba rin ‘yung engagement niya.”
Samantala, mukhang susunod na rin sa yapak ni Kris ang bunsong anak na si Bimby dahil aktibo na rin ito sa online world. Nagre-review na rin ang bagets ng pelikula kasama ang pinsang si Jiggy Cruz.
Ang mga huling ni-review niya ay ang pelikulang “Coco” ng Disney Pixar na isang linggo palang na-upload ay may 23k views na; ang “Thor: Ragnarok” na may 31k views at ang “Star Wars: The Last Jedi” (spoiler review) na three days palang nai-post ay may 3.2k views na agad.
In fairness magaling na host si Bimby at storyteller kaya alam mo na bossing Ervin kung ano ang magiging career ng bagets pagdating ng araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.