Hamon kay Sanya: Tapusin na ang kasamaan ni Thea | Bandera

Hamon kay Sanya: Tapusin na ang kasamaan ni Thea

- December 23, 2017 - 12:35 AM

 

MARAMING tagasubaybay ng nangungunang afternoon series ng Haplos sa GMA ang nagtatanong kung kailan ba makakatikim ng ganti ang karakter ni Thea Tolentino bilang si Lucille mula sa kapatid niyang si Angela (Sanya Lopez)?

Puro si Lucille na lang daw kasi lagi ang nakakapanakit kaya gusto ng fans na gumanti na ang karakter ni Sanya.

Kaya lang, ayon kay Sanya, hindi pa raw niya nababasa sa script na may revenge scene na siya laban kay Thea. Ang alam lang niya ay nakakabilib ang sobrang kabaitan ng karakter niyang si Angela, ngunit siyempre, umaasa rin siya na matuturuan niya ng leksyon si Lucille.

“Kahit na nginungudngod na siya, kung ano-ano na, wala siyang ginagawa dahil naniniwala siya na pagmamahal pa rin ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Kumbaga pagmamahal ang ipinanglalaban niya kontra kasamaan ni Lucille,” ani Sanya.

Pero siyempre, umaasa ang mga manonood sa gagawing paghihiganti ni Angela para matigil na ang pagsasabog ng lagim ni Lucille na talaga namang kinaiinisan na ng lahat ng viewers. At ‘yan ang kailangang abangan ng mga sumusubaybay sa Haplos, ang pagbangon ni Angela at paggamit ng kapangyarihang puti laban sa kampon ng kadiliman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending