DOLE niliwanag na hindi holiday ang Disyembre 26 at Enero 2 para sa pribadong sektor
NILIWANAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi holiday sa Disyembre 26 at Enero 2 para sa mga pribadong sektor,
“Let us be clear that December 26, 2017 and January 2, 2018 are special non-working days, but only for the executive branch of government,” sabi ni Bello
Idinagdag ni Bello na nangangahulugan ito na kailangang pumasok ng mga empleyado pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.
Kasabay nito, niliwanag ni Bello na sakop lamang ng Memorandum Circular No. 37 ng Malacanang ang mga ahensiya sa ilalim ng executive branch at hindi ang legislative branch at judiciary.
“It is already up to them (legislative and judiciary branches of government) if they will make a similar declaration,” dagdag ni Bello.
Base sa ipinalabas na mga naunang proklamasyon, kabilang sa mga idineklarang regular holiday ang December 25 (Christmas Day), December 30 (Rizal Day) at January 1 (New Year’s Day), samantalang special non-working holiday naman ang December 31 (New Year’s Eve).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.