Travel ban na ipinag-utos ni DU30 sakop maging ang mga aprubado na-Palasyo | Bandera

Travel ban na ipinag-utos ni DU30 sakop maging ang mga aprubado na-Palasyo

- December 22, 2017 - 03:21 PM

SINABI ng Palasyo na sakop ng travel ban na ipinag-utos ni Pangulong Duterte simula Enero 1, 2018 maging ang mga biyahe na aprubado na.

“He (Pangulong Duterte) did not distinguish,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos tanungin kung sakop ng kautusan ni Duterte maging ang mga naproseso na.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Davao City, ipinag-utos ni Duterte ang pagbabawal sa pagbibiyahe ng mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng departamento na sakop ng ehekutibo.

“Kaya umiinit talaga ang ulo ko. Kaya January 1, sabi ko sa… kay  (Executive Secretary Salvador) Medialdea — Well, I do not want to interfere with Congress and the Supreme Court, inyo ‘yan eh. Dito sa akin, no travel now. I’ll cut it o whatever. Except the diplomats, ‘yung mga ambassador. ‘Yung travel…,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Ito’y sa harap naman ng ulat na may mga ahensiya na naka-iskedyul na ang mga biyahe sa ibang bansa sa 2018.

“Ayaw ko na lang sabihin mapahiya ‘yung tao. Basta sabihin ko muna walang travel. Mag-starvation diet muna tayo diyan. Every time you go out you spend per diems and then hotels plus the fare. Kaya lahat nag-travel na more than — I’ll look for plenty of victims. Ipatingin ko lahat. ‘Yung lahat na every month nag-travel, you go. I do not need you in the Executive department. So walang travel talaga,” ayon pa kay Duterte.

Ayon pa kay Duterte, papayagan lamang ang mga opisyal kung personal na rason, kagaya ng mga namatayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending