Carmaggedon ngayong araw, sabi ni Waze | Bandera

Carmaggedon ngayong araw, sabi ni Waze

Ira Panganiban - December 22, 2017 - 12:10 AM

NAGLABAS kamakalawa ang mobile navigation app na Waze ng babala sa mga motorista ng Pilipinas na paghandaan ang araw na ito hanggang sa Linggo dahil magiging mala-impiyerno umano ang trapik.

Sa kanilang traffic advisory, tinawag ng Waze na “Carmaggedon” ang magiging itsura ng trapiko sa Kalakhang Maynila at iba pang mga urban centers dahil sa Christmas rush. Ito ay dahil sa dami ng mga sasakyan na lalabas para maghabol sa pamimili ng regalo at panghanda para sa bisperas ng Pasko.

Hindi na ito bago para sa akin dahil tuwing sisilipin ko ang history page ng aking Facebook account ay nakikita ko na ang mga reklamo ng tao (pati ako ngardin) tungkol sa trapik ay parehong pareho lang.

Iisa lang ang ibig sabihin nito. Sa ilampung taon na ating nararanasan ang matinding trapik tuwing Pasko, hindi tayo natututo na ayusin ang schedule natin para maiwasan ito. Lagi pa rin natin inaasa sa kamay ng pamahalaan ang solusyon dito gayong alam naman na natin na mangyayari ito.

Parang batang madalas madulas sa parehong lugar, pero imbes na iwasan ang dulas at dumaan sa ibang lugar gaya ng utos ng magulang, doon pa rin dadaan. Sabi nga ng isang kasabihan “insanity is doing the same thing again and again and expecting a different result each time.”

Sa tagalog, ang kabaliwan ay ang paggawa ng parehong maling nang paulit-ulit pero umaasa ng kakaibang resulta. Pag mali ang gawa, mali ang resulta.

Matagal ko ng alam na magulo tuwing Pasko, kayat ang regalo ng mga kaibigan at mahal sa buhay ay binibili ko sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo. Ang handa sa Pasko ay sinisimulan ko bilhin sa buwan ng Setyembre at Oktubre.

Pagdating ng Nobyembre ay hindi ko na kailangan makipagsiksikan sa mga dumadagsa sa groceries at shopping mall dahil nabili ko na lahat ng kailangan ko para sa Pasko.

Alam mo na ang sasabihin ninyo, eh ang bonus ay dumadating ng Disyembre na. Oo nga po. Kaya iniipon ko ito at ito ang ipinambibili ko ng Pamasko at handa para sa susunod na taon.

Di po ba mas magaan ang buhay ang may ganitong plano sa paglakad sa kalye?

Auto Trivia: Noong 1973 oil-crisis, pinayuhan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang mga Pilipino na bumili ng mas maliliit na kotse na mas fuel-efficient tulad ng mga 4-cylinder engines dahil mas matipid ito sa gasoline.

Dahil dito, tinangka ng Volkswagen na mag-assemble sa Pilipinas ng ganitong sasakyan, isang native na national car na tinawag na Sakbayan o “Sasakyang Katutubong Bayan.” Bagamat hindi nagtagal, isa ito sa mga iconic na sasakyan na gawa sa bansa at ipinagmalaki ng mga panahong iyon.

Para sa mga komento o suhestiyon, sumulat po lamang sa [email protected] o [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending