Baeby Baste tinawag na gifted child; lucky charm ni Bossing sa MMFF 2017 | Bandera

Baeby Baste tinawag na gifted child; lucky charm ni Bossing sa MMFF 2017

Ervin Santiago - December 21, 2017 - 12:10 AM


ITINUTURING ni Bossing Vic Sotto na lucky charm ng pelikulang “Meant To Beh” ang tinaguriang millennial child wonder na si Baeby Baste.

Ang chubby-cheeked five-year-old na si Baste (Sebastian Benedict Granfon sa tunay na buhay) ay hindi lang magpapakitang-gilas sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Ngayong Pasko, ang pinakabatang host ng Eat Bulaga ay magpapasabog naman ng karisma at good vibes sa big screen sa pamamagitan ng family-comedy movie na “Meant To Beh” na pinagbibidahan nga nina Bossing at Dawn Zulueta.

Isa ito sa walong kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na mapapanood na sa Dec. 25 nationwide at ito nga ang unang pagsabak ni Baste sa acting. Ayon sa direktor ng pelikula na si Chris Martinez, hindi madi-disappoint ang manonood sa ipinakita ng child star.

“Na-deliver niya ang lines niya at maganda ang kanyang performance. Itong bata na ito ay 5-taong gulang lamang, hindi pa siya nagbabasa. Ang galing niya sa pelikula at kailangan abangan dahil gugulatin kayo ni Baste dahil ginawa niya ang lahat – sumayaw, kumanta, umiyak at nagpatawa. He’s a natural born entertainer,” sabi pa ni direk Chris.

Ayon naman kay Vic, isa sa nga mentors ni Baste simula nang sumabak ito sa showbiz mahigit dalawang taon na ang nakalilipas, sa edad nitong 5, at considering na hindi pa marunong magbasa si Baste, nai-deliver niya ang acting na hinihanap sa karakter niya.

“Hindi ko akalain na mapapa-arte siya ni Direk Chris. At first we were just thinking na pa-cute lang.

But no, he knows what he’s doing. Naiintindihan na niya kaya hindi kami nahirapan kasi alam namin na sanay siya sa Eat Bulaga na kakanta na lang siya. We were really surprised, na he has a talent in acting kahit di pa siya marunong magbasa.”

Pinasalamatan din ni Vic ang ina ni Baste na si Mommy Shiela sa paggabay at tulong nito habang ginagawa ang pelikula. Si Mommy Shie kasi ang tumutok sa pagbabasa ng lines ni Baste, lalo na nu’ng nahihirapan ito sa mahahabang Tagalog lines.

“Kailangan kong iarte talaga sa kanya yung mga dialogue kasi hindi pa siya nakakabasa. So, kokopyahin niya yung acting ko. Parang mas na-pressure ako kesa kay Baste dahil limited time lang naman ang meron kami. Ayaw din niya na magkamali sa mga eksena,” kwento ni Mommy Shiela.

q q q

Si Baste, na 2-taon gulang lamang noon, ay nakilala sa kanyang dubsmash videos na in-upload ng kanyang tiyahin sa Facebook. Una siyang lumabas sa isang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho bago pa makita bilang isa sa studio audience sa The Ryzza Mae Show.

Nang makita siya ng Eat Bulaga creative head na si Jeny Ferre sa programa, pinahanap niya agad ang bibo at cute na bata.

“Sino naman ang hindi mai-in love sa isang baby na tulad niya. Pinahanap ko talaga siya nung time na yun kasi si Ryzza ay nagho-hosting na at gumagawa na ng teledrama.

“Wala kaming bata na isasama sa program, iba din kasi pag may bata ka sa set kasi mas masaya at parang bata lang din kayo,” ani Jeny.

Kwento pa ni Mommy Shiela, “He’s really ahead of his age. At one-year-old marunong na siya mag-recite ng alphabet, alam na niya ang basic colors and shapes and musically inclined na siya.

“Kumakanta siya kahit medyo bulol pa ang lyrics. Noong panahon na yun bago ang environment sa amin pero kumportable na agad siya sa mga taong nakapaligid sa kanya.”

Tatlong taon na simula nang maging bahagi si Baste ng longest running noontime variety program at patuloy na humahataw ang career.

Nakapag launch na rin siya ng kanyang single, lumabas sa maraming commercials at ngayon nga ay parte na rin ng MMFF movie ni Bossing.

Sa ngayon, sinisiguro nina Mommy Shiela and Daddy Sol na hindi nami-miss out ni Baste ang kanyang kabataan kahit na siya ay parte na ng showbiz. Nire-reward nila ito ng play dates at ang kanyang favorite relaxation activity, ang swimming.

Dagdag pa ni Mommy Shiela na sa hanggang ngayon, hindi sila makapaniwala sa swerteng ibinigay sa kanilang pamilya.

Nagpapasalamat ito sa mga tao sa likod ng Eat Bulaga dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi mabibigyan ng opportunidad si Baste na hasain ang kanyang talento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman kay Baeby Baste, kung siya ang tatanungin kung bakit gusto niyang maging artista, ang laging sinasabi ng limang taong gulang na bagets, gusto lang niyang makapagpasaya ng mga dabarkads.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending