Tumakas kay nanay, gusto nang magbalik | Bandera

Tumakas kay nanay, gusto nang magbalik

Beth Viaje - December 20, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Magandang araw sa iyo. Tulungan mo naman ako sa problema ko. Sana masagot mo ito bago pa mag-Pasko.

Gusto ko nang umuwi sa nanay ko sa probinsiya. Lumayas kasi ako sa kanila, tatlong taon na. Ni sulat ay hindi ko siya nasulatan, ni text wala, pero alam ko na maayos naman ang lagay niya at ng mga kapatid ko.

Lumayas ako kasi gusto niya akong ipasok bilang katulong sa isang kaibigan niya rito sa Maynila.

Ayaw kong maging katulong. Ngayong nasa Maynila ako, isa akong mananahi sa pabrika. Nagtiyaga akong matutong manahi habang pumasok akong janitress sa isang eskwelahan ng Tesda.

Hindi man kagandahan ang kita sa trabaho ko pero ayos na ito kaysa maging kasambahay. Ngayon po, tama ba ang gagawin kong balikan ang nanay ko? Natatakot po ako baka hindi niya ako tanggapin? Tulungan mo ako.

-Remie, Navotas

 

Dear Remie,

Unang-una, hindi masama maging isang kasambahay. Isa itong marangal na trabaho. Pero yung pilitin ka sa isang bagay na labag sa iyong kalooban, yun siguro ang hindi katanggap-tanggap. Pero tiyak na may mga rason ang iyong nanay kung bakit gusto niyang pumasok kang isang kasambahay. Inalam mo ba ito? For sure, hindi dahil sa gusto ka niyang pahirapan o parusahan. Maaring ito lang ang nakikita niyang daan para maitawid ang inyong pamilya sa kahirapan.

Anyway, now na sinasabi mong may maayos kang trabaho bilang mananahi sa isang pabrika, mabuti naman kung ganon.

Nakakatuwa at nagsmikap ka at hindi basta tanggapin na lang ang sitwasyon na gustong mangyari sa iyo ng iyong ina. Magaling at malakas ang iyong loob at napatunayan mong may iba ka pang kakayanan.

At ngayon na napatunayan mo na hindi lang sa pagiging isang kasambahay makakatawid ang isang gaya mo, eh, ano pa ang hinihintay mo? Hala! Makipagkita na sa iyong ina na for sure ay sabik na sabik na ikaw ay makita.

Walang magulang na tumanggi sa nagbabalik na anak.

Kaya sige lang balikan mo si nanay, at ikaw ang magsilbing Christmas gift sa kanya ngayong Kapaskuhan.

Humingi ng tawad dahil sinuway mo ang gusto niya, maging mapagpakumbaba. Huwag maging mayabang.

Kung hindi ka naman tanggapin, at least nakita mo man lang siya at ang pamilya mo. Pero duda akong hindi ka niya tatanggapin. Alam kong sabik na sabik na siyang makita ka.

Huwag nang ipagpaliba ang planong ito, mas mainam na makasama na sila ngayon kaysa mahuli ang lahat at pagsisihan mo ang pagkakataong pinalampas mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ka bang isangguni kay
Ateng Beth? I-text sa 09156414963

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending