Kadaldalan ni Gadon sinita ng House leader | Bandera

Kadaldalan ni Gadon sinita ng House leader

Leifbilly Begas - December 19, 2017 - 06:37 PM

 Pinatatahimik ng chairman ng House committee on justice si Atty. Larry Gadon, ang nagsampa ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.     Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ‘medyo nababastos’ ang komite sa pinagsasabi ni Gadon.       “Sabi ko nga dapat wag niyang pangunahan ang komite at ang Kongreso dahil kung minsan, nauuna na siya. Diyan kami hirap na hirap dahil sa kanyang mga sinisiwalat, medyo nababatikos kami,” ani Umali.       Sa isang press conference sinabi ni Gadon na gagawa siya ng hakbang upang magpalabas ng subpoena ang komite laban kay Sereno para mapilitan itong humarap sa pagdinig.       “Actually nung huling hearing ay nag-usap kami. Sabi ko sa kanya, kung puwede lang hayaan na niyang gumulong itong impeachment proceedings with less pronouncements from him,” ani Umali.“Ewan ko po talaga kung saan nanggagaling iyun (Gadon).”       Dagdag pa ni Umali umuusad ang pagdinig ng komite kahit na hindi pumunta si Sereno at “Hindi na natin kailangang lagyan ng ganyang patutsada.”       Magsasagawa ng pagdinig ang komite sa Enero 18, matapos ang Christmas break ng Kongreso.       Nauna rito ay pinagsabihan ng mga miyembro ng komite si Gadon na magdahan-dahan sa pagsasalita matapos nitong sabihin na mayroong ‘oligarch’ na magbabayad ng P200 milyon sa mga senador upang bumoto laban sa reklamo.       Walang nailabas na ebidensya si Gadon upang patunayan ang kanyang pahayag kaya sinabihan siya ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na tumahimik na lamang.       “This affects the very integrity of the proceedings, the very constitutional processes and casting aspersions, doubt of the supposed would-be justices of the Impeachment Court which are the senators,” ani Garbin. “I advise Mr. Gadon to keep his mouth shut if he cannot verify or reveal to us the oligarchs, source of this P200 million. And to conduct his position in observance of the codes of the professional responsibility.” 30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending