LTFRB iimbitahan ang taxi driver na nasa viral video matapos sampalin ng isang babae
NAKATAKDANG makipagpulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 52-anyos na taxi driver, na nasa viral video na sinampal ng isang babae matapos ang away trapiko sa Congressional ave., Quezon City nitong weekend.
Sinabi ni LTFRB Spokesperson Aileen Lizada na inaasahan ang pagpunta ni Virgilio Doctor sa opisina ng LTFRB kahapon ng hapon.
Makikita sa video na ipinost ng isang Joshua Baluyot at nag- viral sa social media, na kumuha ang babae ng isang golf club at hinampas ang taxi na minamaneho ni Doctor matapos ang away trapiko.
Pinapababa umano ng babae ang driver. Ngunit nang buksan ng driber ang pintuan, sinampal umano siya ng babae.
Lumabas si Doctor sa taxi, hawak ang kanyang pisngi at napaupo sa kalsada.
Umabot na sa 214,000 ang share ng video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.