Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.4 ang Davao Oriental kaninang hapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:15 ng hapon. Ang sentro nito ay 29 kilometro sa silangan ng bayan ng Baganga. May lalim itong 22 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Naramdaman ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity I sa Bislig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending