Pagkamatay ni Enzo sa Pusong Ligaw trending; netizens na-shock | Bandera

Pagkamatay ni Enzo sa Pusong Ligaw trending; netizens na-shock

Ervin Santiago - December 18, 2017 - 12:20 AM


MARAMING  na-shock sa pagkamatay ng karakter ni Enzo Pineda bilang Rafa sa Kapamilya afternoon series na Pusong Ligaw noong Biyernes.

Nalungkot ang fans ng binata nang patayin siya ng kanyang amang si Jaime (Raymond Bagatsing) matapos nitong malaman ang pagsasabwatan nila ni Marga (Bianca King) para mapabagsak at makapaghiganti kina Tessa (Beauty Gonzales) at Caloy (Joem Bascon).

Kasabay ng pagkabigla ng mga manonood sa pagkamatay ni Rafa ay ang pagbuhos naman ng papuri para kay Enzo mula sa mga netizens dahil sa napakagaling na confrontation scene nila ni Raymond.

Narito ang ilang komento ng netizens: “After watching bigla ako napa google at lahat lahat stalker mode mga besh. Hands down to @Enzo_Pineda sobrang galing ng scene nila ni mr. raymond bagatsing. Hooing to see more of him on kapamilya. #PLNoMercy!” – Mary Frances (@gmaryfrances).

Enzo is a very good actor # galing galing sad when they killed him dapat he should stay till the end!” – Francis (@Francis14647255).

“OMG NGAYON KO LANG NAALALA BAKIT NYO PINATAY SI ENZO PINEDA SA PUSONG LI-GAW MY GOD!” – Sadd Chavez (@themaruism).

Dahil dito, naging top trending topic sa Twitter ang hashtag ng nasabing episode na #PLNoMercy.

Nagpasalamat naman si Enzo sa lahat ng viewers ng Pusong Ligaw sa pamamagitan ng Instagram.

Aniya, “Every journey has a beginning and an end. Today I’m officially signing off as Rafa. Thank you po sa lahat ng sumubaybay at nag mahal sa character ko.

“Thank you @starcreatives @pusongligawtv @malousantos03 and the whole team for believing in me. I am forever grateful sa opportunity na binigay niyo sa akin. To my co-actors, mamimiss ko kayong lahat and it’s a pleasure working with everybody. Cheers!”

Samantala, marami ang nagsasabi na hindi nagkamali ng desisyon si Enzo na lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA. Napatunayan daw kasi ng binata na meron din siyang ibubuga sa akting.

Supalpal daw ang mga taong nagsasabi noon na wala ring mangyayari sa career ni Enzo kahit lumipat pa ito sa ABS dahil bano siyang umarte. Siguradong kinain na ng mga basher ang panlalait nila noon sa binata ngayong bumabandera na ito bilang isa sa pambatong drama actor ng Kapamilya Network. At hindi na rin kami magtataka kung bigyan pa ng mas maraming project ng ABS-CBN si Enzo after Pusong Ligaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang kaabang-abang na eksena sa nangungunang panghapong serye ng ABS-CBN kaya huwag na huwag kayong bibitiw sa kuwento ng Pusong Ligaw na napapanood pa rin sa Kapamilya Gold after It’s Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending