Ang Anak na ba ng Amo ang makakatuluyan? | Bandera

Ang Anak na ba ng Amo ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - December 16, 2017 - 12:16 AM

Sulat mula kay Bhea ng Poblacion, San Quitin, Pangasinan
Dear Sir Greenfield,
Ang problema ko po ay ganito, may karelasyon po ako siya ay ang bunsong anak ng lalaki ng amo ko. Mag-iisang taon na ang lihim naming relasyon, na hindi alam ng mga amo ko. Ako po sa ngayon ay katulong at tindera sa kanilang grocery. At sa totoo lang mahal na mahal ko po siya at mahal na mahal nya rin po ako at marami ng beses na may nangyari sa amin. 21 na po ang edad ko at siya naman ay 22. Ang problema tutol sa pag-iibigan namin ang mga magulang nya, kaya madalas nyang sabihin sa akin na mag-ingat na lang daw kami. Kasi noon pa daw siya pinagsasabihan ng Mom niya na lumayo sa akin dahil kung hindi daw ay palalayasin na lang daw ako dahil nga ayaw ng Mom niya na magkaroon kami ng relasyon at noon ngang nakakahatala na ay pinagsabihan na siya. Kaya pag nandito ang Mom nya hindi talaga kami nag-uusap. Ano po ba ang dapat kong gawin, sabi naman ng boyfriend ko kapag daw ako pinalayas ng Mom nya hahanapin nya daw po ako at magkikita pa din naman daw kami? Itatanong ko lang po kung kami na po ba ang magkakatuluyan at compatible po ba kami kahit na maraming tutol sa aming pagmamahalan? February 5, 1996 ang birthday ko at October 9, 1995 naman ang birthday nbg boyfriend ko.
Umaasa,
Bhea ng Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang magiging boyfriend mo ng seryoso at unang makagagalaw sa iyong pagkababae, malaki ang tsansa na siya na ang makakatuluyan mo.
Cartomancy:
Two of Diamonds, Five of Hearts at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa umpisa may pagsubok sa iyong pag-asawa, pero bandang huli, susuwertehin ka na, dahil bukod sa mahal na mahal ka ng lalaking iyong mapapangasawa, tulad ng inaasahan, mayaman ang pamilya ng nasabing lalaki kaya sa iyong pag-aasawa yayaman ka na rin, at hindi lang ikaw ang magiging mayaman, pati na rin ang itatayo nyong pamilya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending