2023 Gilas Pilipinas squad ipinabubuo na ni MVP | Bandera

2023 Gilas Pilipinas squad ipinabubuo na ni MVP

Angelito Oredo - December 14, 2017 - 10:14 PM

Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan

AGAD na ipinabubuo bilang paghahanda sa isasagawa rito sa bansa na FIBA World Cup sa taong 2023 ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan ang pambansang koponan na isasabak nito sa iba’t-ibang qualifying tournament.

Sinabi mismo ni Pangilinan sa isinagawang selebrasyon sa paggagawad ng internasyonal na asosasyon na FIBA sa karapatan bilang World Cup host sa Pilipinas, Japan at Indonesia ang mahabang preparasyon para sa bubuuing pambansang koponan na mga manlalaro na nasa edad 25 hanggang 30 anyos.

“This is just an end of a beginning,” sabi ni Pangilinan. “We already told Chot (Reyes) to form a team for 2023. It will be young players likely to play for the national squad but will most likely not be like Castro and some of the players in the team right now,” sabi ni Pangilinan.

Ilan sa binanggit ni Pangilinan na posibleng mapabilang sa koponan ay ang magkapatid na sina Kiefer at Ferdinand Ravena III, Ricci Rivero at RR Pogoy habang pupunan ito ng iba pang miyembro na tutuntong sa edad 25-30 bago dumating ang 2023 FIBA World Cup.

“It will be a current crop of either rookies in the national pool or anybody else in the collegiate ranks,” sabi pa ni Pangilinan.

Kabuuang 16 sa pinakamahuhusay na 32 bansa sa basketball ang inaasahang pupunta sa Pilipinas sa taong 2023 upang paglabanan ang mga nakatayang silya para sumabak sa 2024 Paris Olympics.

“We don’t know what will happen,” sabi pa ni Pangilinan. “Maybe, basketball will be different in 2023 so we have to start our work from now,” sabi pa nito.

Idinagdag naman ni SBP president Alfredo Panlilio na nararapat nilang simulan agad ang responsibilidad hindi lamang sa pagbubuo ng koponan kundi pati na rin ang pagtatayo ng iba’t-ibang mga pasilidad upang maipakita sa buong mundo ang kahandaan ng bansa sa pagho-host sa torneo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending