Walang bayad ang prangkisa ng jeep, taxi, bus | Bandera

Walang bayad ang prangkisa ng jeep, taxi, bus

Ira Panganiban - December 15, 2017 - 12:10 AM

NOONG araw sinubukan kong pumasok sa negosyo ng UV Express. Bumili ako ng dalawang Nissan Urvan at pumunta ako agad sa Land Transportation Regulatory and Franchising Board o LTFRB para kumuha ng prangjkisa dahil ito raw ang kailangan gawin.

Sa LTFRB ay sinalubong ako ng kontak ng isang kaibigan. Yung kontak ay fixer pala at ang ginawa namin ay kumausap kami ng isang tao na may dati nang prangkisa at binili ko na lang ito sa kanya.

Mas mabilis daw ito kaysa kukuha ako mismo sa LTFRB at matagal daw iyon. May hearing pa daw na dadaanan para makakuha ako ng case number bago ko magagawang ipasada ang mga Urvan ko bilang UV Express.

Nagbayad ako ng tig-P200,000 para sa prangkisa ng kada isang Urvan ko. Bale, P400,000 ang naibigay ko.
Aaminin ko, nung magsawa ako ay ibinenta ko rin yung prangkisa sa parehong halaga kasabay ng pagbenta ko ng aking Urvan.

Kamakalawa ay nasa LTFRB ako at kausap ko ang dalawang opisyal nito, sina LTFRB Chairman Martin Delgra III at si Board Member Atty. Aileen Lizada.
Dito ko nalaman ang isang masakit ng katotohanan na “walang bayad ang prankisa ng public utility transport”.

Actually meron din pala, mga P570 para sa mga documentation and processing fees. Pero maliban dito, walang bayad ang prangkisa.
Sabi ni Delgra, ito ay dahil ang prangkisa ay isang pribilehiyo na may kaakibat na resposibilidad. Hindi ito karapatan dahil ang sagutin mo rito ay ang kaligtasan ng iyong pasahero.

Naging gawain umano ito nang ipatigil ng LTFRB ang pagbibigay ng prangkisa dahil overpopulated na ang mga public transportation sa Metro Manila at hindi na ito nakakatulong sa pagsikip ng kalsada. May 10 taon na rin itong sarado.

Umabot ito sa sistema na maging mga kawani ng LTFRB ay ginagamit ang sistemang ito sa maling paraan tulad ng pagbibigay ng case number (ito po ang franchise number ninyo at hindi ito kaso sa korte) na peke o kaya ay pagsertipika sa mga kabit system na prangkisa.

Ayon kay Delgra, isa ito sa itinigil ng LTFRB sa ilalim ng kanyang pamamahala at bahagi ito nang tinatawag nilang “Public Transportation Modernization Program” kung saan itinataas nila ang antas ng legal na public transport tulad ng bus, jeep, at taxi kabilang na ang mga ride-sharing app tulad ng Uber at Grab.
Kasama rin dito ang pagsasaayos ng ruta ng public transport sa ilalim ng Route Rationalisation Program para hindi nakakalat ang mga bus at jeep kung saan-saan na nagbabantay ng pasahe.

Nais kasi nila Delgra at Lizada na magkaroon ng “dignity” ang mga commuters sa ating bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending