Kapatid ng ex-justice na iniugnay kay Napoles itinalaga bilang CA justice
ITINALAGA ni Pangulong Duterte ang kapatid na lalaki ni dating Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong sa Court of Appeals.
Papalit si Atty. Walter S. Ong sa puwesto na binakante ni Associate Justice Noel Tijam na nauna nang itinalaga sa Korte Suprema.
Nagtapos si Ong sa Ateneo School of Law.
Sinibak ng Korte Suprema ang kanyang kapatid noong 2014 matapos maugnay sa umano’y reyna ng pork barrel na si Janet Lim-Napoles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending