MRT nasira na naman, mga pasahero pinaglakad sa riles
Leifbilly Begas - Bandera December 10, 2017 - 04:55 PM
Nasira na naman ang tren ng Metro Rail Transit ngayong hapon.
Napilitang maglakad sa riles ang mga alas-2:47 ng hapon sa pagitan ng Ortigas at Santolan stations. Pinababa ang may 686 pasahero matapos na may mangamoy na nasusunog sa loob ng mga bagon. Ang tren ay pa-north bound. Inalis ang tren sa riles upang kumpunihin. Alas-3:13 naman, o makalipas ang 26 na minute, ay balik na sa normal ang operasyon ng MRT. Kamakalawa ay dalawang beses na nabalam ang operasyon ng MRT. Alas-4:13 ng hapon ang una at nasundan ng alas-7:09 ng gabi. Sinuspendi ng Department of Transportation and maintenance contract ng Busan Universal Rail Inc. dahil sa serye ng pagkasira ng mga tren ng MRT.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending