Ang karelasyon tomboy na ba ang makakatuluyan? | Bandera

Ang karelasyon tomboy na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield |December 10,2017
facebook
share this

Ang karelasyon tomboy na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - December 10, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Althea ng San Vicente, Balocor, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
May ka-relasyon po ako sa ngayon kaya lang tomboy siya kaya tutol ang mga magulang ko sa kanya, pero nagmamahalan naman po kami. Actually magto-two years na ang aming relasyon sa darating na December 25 at maligaya naman ako sa piling nya. Ang itatanong ko lang ay kung kami na po ba talaga ang magsasama habang buhay kahit na tutol ang mga magulang ko sa kanya? At kung ako lang kaya talaga ang kaisa-isang babae sa buhay nya, kasi minsan nahuli ko siyang may ka-text mate at sabi nya sa akin kaibigan nya lang daw iyon. Totoo kayang kaibigan nya lang ang mga ka-text mate nya at hindi kaya dumating ang araw na ipagpalit nya rin ako sa iba? November 12, 1993 ang birthday ko at October 27, 1992 naman ang ka-relasyon ko.
Umaasa,
Althea ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ang nagdobleng Venus Line (Illustration 1-1 arrow 2.) sa iyong palad ang nagsasabing tunay ngang mahuhulog ka sa isang hindi normal na relasyon, subalit dahil iisa naman ang namataang Marriage Line (arrow 1.) sa iyong palad. Posible ngang ang kasalukuyan mo ng ka-relasyon na isang tomboy ang iyong makakasama habang buhay.
Cartomancy:
“Marami talagang kokontra sa inyong relasyon pero sa bandang huli, ang pagiibigan nya pa rin ang mananaig” – Ito ang nais sabihin ng barahang Queen of Spades, Two of Hearts, at Nine of Hearts. Tanda na sa umpisa, magiging magulo nga ang inyong pagsasama, pero kailangan nyong magpakatatag, dahil paglipas ng mga pagsubok na darating sa umpisa ng inyong pagsasama, sa bandang huli, habang buhay na kayong magsasama ng matatag at maligaya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending