Young actress adik sa yosi, laging may baon na alak sa sasakyan
NAKU, sino naman kaya itong young actress na sobrang pasaway sa totoong buhay kumpara sa mga goodie-goodie roles na ginagampanan niya sa TV at movies?
Madalas ay “best friend” ng bidang babae o bidang lalaki ang papel nitong si young actress. Kumakanta rin naman siya at maganda rin ang timbre ng boses.
Pero ayon sa aming mga ka-Chismackers, hirap na hirap umano ang parents nito at mga handler sa pagkumbinsi sa kanyang tigilan na ang kanyang mga bisyo.
Alam n’yo bang grabe palang magyosi ang batang ito at talagang nagbabaon pa ng alak kahit saan siya magpunta. Ganu’n siya kapasaway mga ka-BANDERA! Sa Christmas na lang ang ibang mga clue ha, para mas exciting ang paghula n’yo! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.